Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

2 Corinto 9:1-15

9  Ngayon may kinalaman sa ministeryo+ na para sa mga banal, ito ay kalabisan nang isulat ko sa inyo,  sapagkat alam ko ang pagiging handa ng inyong isip na siyang ipinaghahambog ko sa mga taga-Macedonia tungkol sa inyo, na ang Acaya ay isang taon na ngayong nakahanda,+ at napukaw ng inyong sigasig ang karamihan sa kanila.  Ngunit isinusugo ko ang mga kapatid, upang ang aming paghahambog tungkol sa inyo ay hindi mapatunayang walang kabuluhan sa bagay na ito, kundi sa halip ay maging talagang handa kayo,+ gaya ng sinasabi ko noon na magkakagayon nga kayo.  Kung hindi, sa anumang paraan, sakaling may mga taga-Macedonia na sumama sa akin at masumpungan kayong hindi nakahanda, kami—huwag nang sabihing kayo—ay malalagay sa kahihiyan sa pagtitiwala naming ito.  Kaya nga naisip kong kinakailangang patibaying-loob ang mga kapatid na pumariyan sa inyo nang patiuna at ihanda nang patiuna ang inyong saganang kaloob na ipinangako noong una,+ nang sa gayon, ito ay maihanda bilang isang saganang kaloob at hindi gaya ng isang bagay na ipinangikil.+  Ngunit kung tungkol dito, siya na naghahasik nang kaunti+ ay mag-aani rin nang kaunti; at siya na naghahasik nang sagana+ ay mag-aani rin nang sagana.  Gawin ng bawat isa ang ayon sa ipinasiya niya sa kaniyang puso, hindi mabigat sa loob+ o sa ilalim ng pamimilit, sapagkat iniibig ng Diyos ang masayang nagbibigay.+  Bukod diyan, magagawa ng Diyos na managana sa inyo ang kaniyang buong di-sana-nararapat na kabaitan, upang habang lagi kayong may lubos na kasapatan sa lahat ng bagay ay magkaroon kayo ng sagana para sa bawat gawang mabuti.+  (Gaya nga ng nasusulat: “Namahagi siya nang malawakan, namigay siya sa mga dukha, ang kaniyang katuwiran ay namamalagi magpakailanman.”+ 10  Ngayon siya na saganang naglalaan ng binhi sa manghahasik at ng tinapay na kakainin+ ay maglalaan at magpaparami ng binhi na inyong ihahasik at magpapalago sa mga bunga ng inyong katuwiran.)+ 11  Sa lahat ng bagay ay pinayayaman kayo ukol sa bawat uri ng pagkabukas-palad, na gumagawa sa pamamagitan namin ng kapahayagan ng pasasalamat sa Diyos;+ 12  sapagkat ang ministeryo ng pangmadlang paglilingkod na ito ay hindi lamang upang ilaan nang sagana ang mga pangangailangan ng mga banal+ kundi upang maging mayaman din sa maraming kapahayagan ng pasasalamat sa Diyos. 13  Dahilan sa katunayan na ibinibigay ng ministeryong ito, niluluwalhati nila ang Diyos dahil mapagpasakop kayo sa mabuting balita tungkol sa Kristo,+ gaya ng hayagan ninyong sinasabi, at dahil bukas-palad kayo sa inyong abuloy sa kanila at sa lahat;+ 14  at lakip ang pagsusumamo para sa inyo ay nananabik sila sa inyo dahil sa nakahihigit na di-sana-nararapat na kabaitan+ ng Diyos sa inyo. 15  Salamat sa Diyos dahil sa kaniyang di-mailarawang kaloob na walang bayad.+

Talababa