Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

2 Corinto 8:1-24

8  Ngayon ay ipinaaalam namin sa inyo, mga kapatid, ang tungkol sa di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos na iginawad sa mga kongregasyon ng Macedonia,+  na sa panahon ng isang malaking pagsubok sa ilalim ng kapighatian ay pinasagana ng kanilang saganang kagalakan at ng kanilang matinding karalitaan ang kayamanan ng kanilang pagkabukas-palad.+  Sapagkat ayon sa kanilang talagang kakayahan,+ oo, ako ay nagpapatotoo, higit pa nga sa kanilang talagang kakayahan,  habang sila sa sarili nilang kagustuhan ay patuloy na nagsumamo sa amin na may matinding pamamanhik upang magkaroon ng pribilehiyong magbigay nang may kabaitan at ng isang bahagi sa ministeryong itinalaga para sa mga banal.+  At hindi lamang gaya ng aming inasahan, kundi ibinigay muna nila ang kanilang sarili sa Panginoon+ at sa amin sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos.  Umakay ito sa amin na patibaying-loob si Tito+ na, kung paanong siya ang nagpasimula nito sa inyo, dapat din niyang tapusin ang ganito ring may-kabaitang pagbibigay mula sa inyo.  Gayunpaman, kung paanong nananagana kayo sa lahat ng bagay,+ sa pananampalataya at salita at kaalaman+ at buong kasigasigan at sa pag-ibig naming ito sa inyo, nawa’y sumagana rin kayo sa may-kabaitang pagbibigay na ito.  Hindi bilang pag-uutos sa inyo,+ kundi dahilan sa kasigasigan ng iba at upang subukin ang pagiging tunay ng inyong pag-ibig, kung kaya ako nagsasalita.  Sapagkat alam ninyo ang di-sana-nararapat na kabaitan ng ating Panginoong Jesu-Kristo, na bagaman siya ay mayaman, nagpakadukha siya alang-alang sa inyo,+ upang yumaman+ kayo sa pamamagitan ng kaniyang karalitaan. 10  At dito ay nagbibigay ako ng opinyon:+ sapagkat ang bagay na ito ay sa inyong kapakinabangan,+ yamang isang taon na ang nakararaan ay pinasimulan ninyo hindi lamang ang paggawa kundi ang pagnanais din na gumawa;+ 11  kaya nga, ngayon ay tapusin din ninyo ang paggawa nito, upang sa gayon, kung paanong may pagiging handa na naisin itong gawin, dapat din itong tapusin mula sa taglay ninyo. 12  Sapagkat kung ang pagiging handa ay naroroon muna, ito ay lalo nang kaayaaya ayon sa taglay ng isang tao,+ hindi ayon sa hindi taglay ng isang tao. 13  Sapagkat hindi ko layon na maging madali iyon para sa iba,+ ngunit mahirap naman sa inyo; 14  kundi sa pamamagitan nga ng pagpapantay-pantay ay mapunan ng inyong labis sa ngayon ang kanilang kakulangan, upang mapunan din ng kanilang labis ang inyong kakulangan, nang sa gayon ay magkaroon ng pagpapantay-pantay.+ 15  Gaya nga ng nasusulat: “Ang taong nagtataglay ng marami ay hindi nagkaroon ng napakarami, at ang taong nagtataglay ng kaunti ay hindi nagkaroon ng napakakaunti.”+ 16  Salamat nga sa Diyos sa paglalagay ng gayunding kasigasigan para sa inyo sa puso ni Tito,+ 17  sapagkat tunay ngang tumugon siya sa pampatibay-loob, ngunit, palibhasa’y napakasigasig, paroroon siya sa inyo sa kaniyang sariling kagustuhan. 18  Ngunit isusugo naming kasama niya ang kapatid na ang kapurihan may kaugnayan sa mabuting balita ay laganap na sa lahat ng mga kongregasyon. 19  Hindi lamang iyan, kundi inatasan+ din siya ng mga kongregasyon upang maging kasamahan namin sa paglalakbay may kaugnayan sa maibiging kaloob na ito na pangangasiwaan namin ukol sa kaluwalhatian+ ng Panginoon at bilang patotoo ng aming handang kaisipan.+ 20  Sa gayon ay iniiwasan namin na ang sinumang tao ay makakita sa amin ng pagkakamali+ may kaugnayan sa saganang abuloy+ na ito na pangangasiwaan namin. 21  Sapagkat kami ay “matapat na naglalaan, hindi lamang sa paningin ni Jehova, kundi gayundin sa paningin ng mga tao.”+ 22  Isa pa, isinusugo naming kasama nila ang ating kapatid na madalas na naming napatunayang masigasig sa maraming bagay, ngunit ngayon ay lalo pang masigasig dahil sa kaniyang malaking pagtitiwala sa inyo. 23  Gayunman, kung may anumang pag-aalinlangan tungkol kay Tito, siya ay isang kabahagi ko at kamanggagawa+ para sa inyong mga kapakanan; o kung tungkol sa ating mga kapatid, sila ay mga apostol ng mga kongregasyon at kaluwalhatian ni Kristo. 24  Kaya nga ipakita ninyo sa kanila ang katunayan ng inyong pag-ibig+ at niyaong ipinaghambog+ namin tungkol sa inyo, sa harapan ng mga kongregasyon.

Talababa