Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

2 Corinto 7:1-16

7  Kaya nga, yamang taglay natin ang mga pangakong ito,+ mga minamahal, linisin+ natin ang ating sarili mula sa bawat karungisan ng laman at espiritu,+ na pinasasakdal ang kabanalan nang may pagkatakot sa Diyos.+  Magbigay kayo ng dako para sa amin.+ Hindi namin ginawan ng mali ang sinuman, hindi namin pinasamâ ang sinuman, hindi kami nagsamantala sa kaninuman.+  Hindi ko ito sinasabi upang hatulan kayo. Sapagkat sinabi ko na noon pa na kayo ay nasa aming mga puso upang mamatay at upang mabuhay na kasama namin.+  Mayroon akong malaking kalayaan sa pagsasalita sa inyo. Mayroon akong malaking paghahambog may kinalaman sa inyo.+ Puspos ako ng kaaliwan,+ nag-uumapaw ako sa kagalakan sa lahat ng aming kapighatian.+  Sa katunayan, nang dumating kami sa Macedonia,+ ang aming laman ay hindi nagtamo ng ginhawa,+ kundi patuloy kaming napipighati+ sa bawat paraan—may mga labanan sa labas, mga takot sa loob.  Gayunpaman ang Diyos, na umaaliw+ doon sa mga inilugmok, ay umaliw sa amin sa pamamagitan ng pagkanaririto ni Tito;  gayunma’y hindi lamang sa pamamagitan ng kaniyang pagkanaririto, kundi sa pamamagitan din ng kaaliwan na siyang nakaaliw sa kaniya dahil sa inyo, nang muli siyang magdala sa amin ng balita+ tungkol sa inyong pananabik, sa inyong pagdadalamhati, sa inyong sigasig para sa akin; kung kaya lalo pa akong nagsaya.  Kaya nga kung napalungkot ko man kayo sa pamamagitan ng aking liham,+ hindi ko iyon pinagsisisihan. Kung pinagsisihan ko man iyon noong una, (nakikita ko na napalungkot kayo ng liham na iyon, bagaman sa kaunting panahon lamang,)  ako ngayon ay nagsasaya, hindi lamang dahil sa napalungkot kayo, kundi dahil napalungkot kayo tungo sa pagsisisi;+ sapagkat napalungkot kayo sa makadiyos na paraan,+ upang huwag kayong dumanas ng anumang pinsala dahil sa amin. 10  Sapagkat ang kalungkutan sa makadiyos na paraan ay nagbubunga ng pagsisisi tungo sa kaligtasan na hindi panghihinayangan;+ ngunit ang kalungkutan ng sanlibutan ay nagbubunga ng kamatayan.+ 11  Sapagkat, narito! ang mismong bagay na ito, ang pagpapalungkot sa inyo sa makadiyos na paraan,+ kay laki ngang kasigasigan ang ibinunga nito sa inyo, oo, pagpapawalang-sala sa inyong sarili, oo, pagkagalit, oo, takot, oo, pananabik, oo, sigasig, oo, pagtatama ng mali!+ Sa lahat ng paraan ay ipinakita ninyong malinis kayo sa bagay na ito. 12  Tunay nga, bagaman sinulatan ko kayo, ginawa ko iyon, hindi para sa isa na gumawa ng mali,+ ni para sa isa na ginawan ng mali, kundi upang ang inyong kasigasigan ukol sa amin ay mahayag sa gitna ninyo sa paningin ng Diyos. 13  Iyan ang dahilan kung bakit kami naaliw. Gayunman, karagdagan sa aming kaaliwan ay nagsaya kami nang lalong higit pa dahil sa kagalakan ni Tito, sapagkat ang kaniyang espiritu+ ay pinaginhawa ninyong lahat. 14  Sapagkat kung gumawa man ako ng anumang paghahambog sa kaniya tungkol sa inyo, hindi ako nalagay sa kahihiyan; kundi kung paanong sinalita namin sa inyo ang lahat ng bagay nang may katotohanan, gayundin na ang aming paghahambog+ sa harap ni Tito ay napatunayang totoo. 15  Gayundin, ang kaniyang magiliw na pagmamahal ay lalong sagana para sa inyo, habang inaalaala niya ang pagkamasunurin+ ninyong lahat, kung paanong tinanggap ninyo siya na may takot at panginginig. 16  Ako ay nagsasaya na sa bawat paraan ay maaari akong magkaroon ng lakas ng loob dahil sa inyo.+

Talababa