Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

2 Corinto 6:1-18

6  Yamang gumagawang kasama niya,+ namamanhik din kami sa inyo na huwag tanggapin ang di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos at sumala sa layunin nito.+  Sapagkat sinasabi niya: “Sa isang kaayaayang panahon ay dininig kita, at sa isang araw ng kaligtasan ay tinulungan kita.”+ Narito! Ngayon ang lalong kaayaayang panahon.+ Narito! Ngayon ang araw ng kaligtasan.+  Sa anumang paraan ay hindi kami nagbibigay ng anumang dahilan na ikatitisod,+ upang ang aming ministeryo ay huwag makitaan ng pagkakamali;+  kundi sa bawat paraan ay inirerekomenda+ namin ang aming sarili bilang mga ministro ng Diyos, sa maraming pagbabata, sa mga kapighatian, sa mga pangangailangan, sa mga kahirapan,+  sa mga pambubugbog, sa mga bilangguan,+ sa mga kaguluhan, sa mga pagpapagal, sa mga gabing walang tulog, sa mga panahong walang makain,+  sa kadalisayan, sa kaalaman, sa mahabang pagtitiis,+ sa kabaitan,+ sa banal na espiritu, sa pag-ibig na walang pagpapaimbabaw,+  sa tapat na pananalita, sa kapangyarihan ng Diyos;+ sa pamamagitan ng mga sandata+ ng katuwiran sa kanang kamay at sa kaliwa,  sa pamamagitan ng kaluwalhatian at kasiraang-puri, sa pamamagitan ng masamang ulat at mabuting ulat; gaya ng mga manlilinlang+ at gayunma’y tapat,  gaya ng mga di-kilala at gayunma’y nakikilala,+ gaya ng mga namamatay at gayunman, narito! nabubuhay kami,+ gaya ng mga dinidisiplina+ at gayunma’y hindi ibinibigay sa kamatayan,+ 10  gaya ng mga nalulumbay ngunit palaging nagsasaya, gaya ng mga dukha ngunit pinayayaman ang marami, gaya ng mga walang pag-aari at gayunma’y nagmamay-ari ng lahat ng bagay.+ 11  Ang aming bibig ay binuksan para sa inyo, mga taga-Corinto, ang aming puso+ ay lumawak. 12  Hindi kayo nasisikipan sa loob namin,+ kundi nasisikipan kayo sa inyong sariling magiliw na pagmamahal.+ 13  Kaya, bilang ganting kabayaran—nagsasalita akong gaya ng sa mga anak+—kayo rin ay magpalawak. 14  Huwag kayong makipamatok nang kabilan sa mga di-sumasampalataya.+ Sapagkat anong pakikisama mayroon ang katuwiran sa katampalasanan?+ O anong pakikibahagi mayroon ang liwanag sa kadiliman?+ 15  Karagdagan pa, anong pagkakasuwato mayroon sa pagitan ni Kristo at ni Belial?+ O anong bahagi+ mayroon ang isang tapat na tao sa isang di-sumasampalataya? 16  At anong pakikipagkasundo mayroon ang templo ng Diyos sa mga idolo?+ Sapagkat tayo ay templo+ ng isang Diyos na buháy; gaya ng sinabi ng Diyos: “Ako ay mananahan sa gitna nila+ at lalakad sa gitna nila, at ako ang magiging kanilang Diyos, at sila ang magiging aking bayan.”+ 17  “ ‘Kaya nga lumabas kayo mula sa kanila, at humiwalay kayo,’ sabi ni Jehova, ‘at tigilan na ninyo ang paghipo sa maruming bagay’ ”;+ “ ‘at tatanggapin ko kayo.’ ”+ 18  “ ‘At ako ay magiging isang ama sa inyo,+ at kayo ay magiging mga anak na lalaki at mga anak na babae sa akin,’+ sabi ni Jehova na Makapangyarihan-sa-lahat.”+

Talababa