Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

2 Corinto 13:1-14

13  Ito ang ikatlong pagkakataon+ na paririyan ako sa inyo. “Sa bibig ng dalawang saksi o ng tatlo ay itatatag ang bawat bagay.”+  Sinabi ko na noong una at, para bang naririyan sa ikalawang pagkakataon at gayunma’y wala riyan ngayon, sinasabi ko nang patiuna doon sa mga nagkasala noon at sa lahat ng iba pa, na kung sakaling pumariyan akong muli ay wala akong paliligtasin,+  yamang naghahanap kayo ng katunayan na si Kristo ay nagsasalita sa pamamagitan ko,+ si Kristo na sa inyo ay hindi mahina kundi makapangyarihan sa gitna ninyo.  Totoo nga, ibinayubay+ siya dahil sa kahinaan,+ ngunit siya ay buháy dahil sa kapangyarihan ng Diyos.+ Totoo rin, sa kaniya ay mahina kami, ngunit mabubuhay kaming kasama niya+ dahil sa kapangyarihan ng Diyos+ para sa inyo.  Patuloy na subukin kung kayo ay nasa pananampalataya, patuloy na patunayan kung ano nga kayo.+ O hindi ba ninyo kinikilala na si Jesu-Kristo ay kaisa ninyo?+ Malibang kayo ay itinakwil.  Tunay ngang umaasa ako na malalaman ninyo na hindi kami itinakwil.  Ngayon ay nananalangin+ kami sa Diyos na huwag kayong makagawa ng anumang kamalian, hindi upang kami naman ay magtinging sinang-ayunan, kundi upang magawa ninyo yaong mainam, kahit kami naman ay magtinging itinakwil.  Sapagkat wala kaming magagawang anuman laban sa katotohanan, kundi para lamang sa katotohanan.+  Talaga namang nagsasaya kami kailanma’t mahihina kami ngunit kayo ay malalakas;+ at ito ang idinadalangin namin,+ ang inyong pagkakabalik sa ayos. 10  Kaya naman isinusulat ko ang mga bagay na ito samantalang wala riyan, upang, kapag naririyan ako, ako ay hindi kumilos nang may kahigpitan+ ayon sa awtoridad na ibinigay sa akin ng Panginoon, upang magpatibay+ at hindi upang gumiba. 11  Sa katapus-tapusan, mga kapatid, patuloy kayong magsaya, maibalik sa ayos, maaliw,+ mag-isip nang magkakasuwato,+ mamuhay nang mapayapa;+ at ang Diyos ng pag-ibig at ng kapayapaan+ ay sasainyo. 12  Batiin ninyo ang isa’t isa ng banal na halik.+ 13  Ang lahat ng mga banal ay nagpapadala sa inyo ng kanilang mga pagbati. 14  Sumainyo nawang lahat ang di-sana-nararapat na kabaitan ng Panginoong Jesu-Kristo at ang pag-ibig ng Diyos at ang pakikibahagi sa banal na espiritu.+

Talababa