Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

1 Timoteo 4:1-16

4  Gayunman, ang kinasihang pananalita ay tiyakang nagsasabi na sa mga huling yugto ng panahon+ ang ilan ay hihiwalay+ mula sa pananampalataya, na nagbibigay-pansin sa nagliligaw na kinasihang mga pananalita+ at mga turo ng mga demonyo,+  sa pamamagitan ng pagpapaimbabaw ng mga tao na nagsasalita ng mga kasinungalingan,+ na natatakan sa kanilang budhi+ na waring sa pamamagitan ng pangherong bakal;  na ipinagbabawal ang pag-aasawa,+ ipinag-uutos ang pag-iwas sa mga pagkain+ na nilalang ng Diyos+ upang pagsaluhan nang may pasasalamat niyaong mga may pananampalataya+ at may-katumpakang nakaaalam ng katotohanan.  Ang dahilan nito ay sapagkat ang bawat nilalang ng Diyos ay mainam,+ at walang anuman ang dapat itakwil+ kung ito ay tinatanggap nang may pasasalamat,+  sapagkat ito ay napababanal sa pamamagitan ng salita ng Diyos at ng panalangin ukol dito.  Sa pagbibigay ng mga payong ito sa mga kapatid, ikaw ay magiging isang mabuting ministro ni Kristo Jesus, isang tinutustusan ng mga salita ng pananampalataya at ng mainam na turo+ na maingat mong sinundan.+  Ngunit tanggihan mo ang mga kuwentong di-totoo+ na lumalapastangan sa kung ano ang banal at siyang ikinukuwento ng matatandang babae. Sa kabilang dako, sanayin mo ang iyong sarili na ang tunguhin mo ay makadiyos na debosyon.+  Sapagkat ang pagsasanay sa katawan ay kapaki-pakinabang nang kaunti; ngunit ang makadiyos na debosyon+ ay kapaki-pakinabang sa lahat ng mga bagay,+ yamang hawak nito ang pangako sa buhay ngayon at yaong darating.+  Tapat at karapat-dapat sa lubusang pagtanggap ang kapahayagang iyon.+ 10  Sapagkat sa layuning ito ay nagpapagal tayo at nagpupunyagi,+ sapagkat inilagak natin ang ating pag-asa+ sa isang Diyos na buháy, na siyang Tagapagligtas+ ng lahat ng uri ng mga tao,+ lalo na ng mga tapat.+ 11  Patuloy mong ibigay ang mga utos na ito+ at ituro ang mga iyon.+ 12  Huwag hamakin ng sinumang tao ang iyong kabataan.+ Sa halip, sa mga tapat+ ay maging halimbawa+ ka sa pagsasalita, sa paggawi, sa pag-ibig, sa pananampalataya, sa kalinisan.+ 13  Habang ako ay papariyan, magsikap ka sa pangmadlang+ pagbabasa,+ sa pagpapayo, sa pagtuturo. 14  Huwag mong pababayaan ang kaloob+ na nasa iyo na ibinigay sa iyo sa pamamagitan ng panghuhula+ at nang ipatong sa iyo ng lupon ng matatandang lalaki ang kanilang mga kamay.+ 15  Magmuni-muni ka sa mga bagay na ito;+ magbuhos ka ng pansin sa mga iyon, upang ang iyong pagsulong+ ay mahayag sa lahat ng mga tao. 16  Laging bigyang-pansin ang iyong sarili+ at ang iyong turo.+ Manatili ka sa mga bagay na ito, sapagkat sa paggawa nito ay ililigtas mo kapuwa ang iyong sarili at yaong mga nakikinig sa iyo.+

Talababa