Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

1 Tesalonica 4:1-18

4  Sa katapus-tapusan, mga kapatid, hinihiling namin sa inyo at pinapayuhan kayo sa pamamagitan ng Panginoong Jesus, na kung paano ninyo tinanggap ang tagubilin mula sa amin kung paano kayo dapat lumakad+ at magpalugod sa Diyos, gaya nga ng inyong paglakad, na patuloy ninyong gawin iyon nang lubus-lubusan.+  Sapagkat alam ninyo ang mga utos+ na ibinigay namin sa inyo sa pamamagitan ng Panginoong Jesus.  Sapagkat ito ang kalooban ng Diyos, ang pagpapabanal sa inyo,+ na umiwas kayo sa pakikiapid;+  na ang bawat isa sa inyo ay dapat makaalam kung paano susupilin ang kaniyang sariling sisidlan+ sa pagpapabanal+ at karangalan,  hindi sa mapag-imbot na pita sa sekso+ na gaya rin niyaong sa mga bansa+ na hindi nakakakilala sa Diyos;+  upang walang sinumang umabot sa punto ng pamiminsala at manghimasok sa mga karapatan ng kaniyang kapatid sa bagay na ito,+ sapagkat si Jehova ay naglalapat ng kaparusahan dahil sa lahat ng bagay na ito,+ gaya ng sinabi namin sa inyo nang patiuna at pinatotohanan din sa inyo nang lubusan.+  Sapagkat tinawag tayo ng Diyos, hindi sa pagbibigay-daan sa karumihan, kundi may kaugnayan sa pagpapabanal.+  Kung gayon nga, ang tao na nagpapakita ng pagwawalang-halaga+ ay nagwawalang-halaga, hindi sa tao, kundi sa Diyos,+ na siyang naglalagay ng kaniyang banal na espiritu+ sa inyo.  Gayunman, may kinalaman sa pag-ibig na pangkapatid,+ hindi ninyo kailangang sulatan pa namin kayo, sapagkat kayo mismo ay tinuruan ng Diyos+ na ibigin ang isa’t isa;+ 10  at, sa katunayan, ginagawa ninyo iyon sa lahat ng mga kapatid sa buong Macedonia. Ngunit pinapayuhan namin kayo, mga kapatid, na patuloy na gawin iyon nang lalo pang higit, 11  at na gawing inyong tunguhin ang mamuhay nang tahimik+ at asikasuhin ang inyong sariling gawain+ at gumawa sa pamamagitan ng inyong mga kamay,+ gaya ng iniutos namin sa inyo; 12  upang kayo ay lumakad nang disente+ kung tungkol sa mga tao sa labas+ at hindi mangailangan ng anuman.+ 13  Bukod diyan, mga kapatid, hindi namin ibig na kayo ay walang-alam may kinalaman sa mga natutulog+ sa kamatayan; upang hindi kayo malumbay na gaya rin ng iba na walang pag-asa.+ 14  Sapagkat kung tayo ay nananampalataya na namatay si Jesus at muling bumangon,+ sa gayunding paraan, yaong mga natulog na sa kamatayan sa pamamagitan ni Jesus ay dadalhin ng Diyos kasama niya.+ 15  Sapagkat ito ang sinasabi namin sa inyo sa pamamagitan ng salita ni Jehova,+ na tayong mga buháy na natitira hanggang sa pagkanaririto ng Panginoon+ ay hindi sa anumang paraan mauuna roon sa mga natulog na sa kamatayan; 16  sapagkat ang Panginoon mismo ay bababa mula sa langit+ na may nag-uutos na panawagan, may tinig ng arkanghel+ at may trumpeta ng Diyos,+ at yaong mga patay na kaisa ni Kristo ang unang babangon.+ 17  Pagkatapos tayong mga buháy na siyang natitira, kasama nila,+ ay aagawin+ sa mga ulap+ upang salubungin+ ang Panginoon sa hangin; at sa gayon ay lagi na tayong makakasama ng Panginoon.+ 18  Dahil dito ay patuloy ninyong aliwin ang isa’t isa ng mga salitang ito.

Talababa