Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

1 Tesalonica 1:1-10

1  Si Pablo at si Silvano+ at si Timoteo+ sa kongregasyon ng mga taga-Tesalonica na kaisa+ ng Diyos na Ama at ng Panginoong Jesu-Kristo: Magkaroon nawa kayo ng di-sana-nararapat na kabaitan at kapayapaan.+  Lagi naming pinasasalamatan ang Diyos kapag binabanggit namin sa aming mga panalangin ang may kinalaman sa inyong lahat,+  sapagkat walang-lubay naming isinasaisip ang inyong tapat na gawa+ at ang inyong maibiging pagpapagal at ang inyong pagbabata dahil sa inyong pag-asa+ sa ating Panginoong Jesu-Kristo sa harap ng ating Diyos at Ama.  Sapagkat alam namin, mga kapatid na iniibig ng Diyos, ang pagpili niya sa inyo,+  sapagkat ang mabuting balita na aming ipinangangaral ay hindi dumating sa gitna ninyo sa pamamagitan lamang ng pananalita kundi sa pamamagitan din ng kapangyarihan+ at sa pamamagitan ng banal na espiritu at matibay na pananalig,+ gaya ng alam ninyo kung naging anong uri kami ng mga tao sa inyo ukol sa inyong mga kapakanan;+  at kayo ay naging mga tagatulad+ sa amin at sa Panginoon,+ yamang tinanggap ninyo ang salita sa ilalim ng labis na kapighatian+ na may kagalakan sa banal na espiritu,+  anupat kayo ay naging halimbawa sa lahat ng mga mananampalataya sa Macedonia at sa Acaya.  Ang totoo, hindi lamang nahayag ang salita ni Jehova+ mula sa inyo sa Macedonia at Acaya, kundi sa bawat dako ay lumaganap+ ang inyong pananampalataya+ sa Diyos, anupat wala na kaming anumang kailangan pang sabihin.  Sapagkat sila mismo ay patuloy na nagbabalita tungkol sa kung paano kami unang pumasok sa gitna ninyo at kung paano kayo bumaling sa Diyos mula sa inyong mga idolo+ upang magpaalipin sa isang buháy+ at tunay+ na Diyos, 10  at upang maghintay+ sa kaniyang Anak mula sa langit,+ na kaniyang ibinangon mula sa mga patay,+ samakatuwid ay si Jesus, na siyang nagliligtas sa atin mula sa poot na dumarating.+

Talababa