Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

1 Samuel 26:1-25

26  Nang maglaon ay pumaroon ang mga tao ng Zip+ kay Saul sa Gibeah,+ na nagsasabi: “Hindi ba nagkukubli si David sa burol ng Hakila,+ na nakaharap sa Jesimon?”+  At si Saul ay tumindig+ at lumusong sa ilang ng Zip, at ang kasama niya ay tatlong libong lalaki,+ ang mga pinili sa Israel, upang hanapin si David sa ilang ng Zip.  At nagkampo si Saul sa burol ng Hakila, na nakaharap sa Jesimon, sa tabi ng daan, samantalang si David ay nananahanan sa ilang. At nakita niyang sinundan siya ni Saul sa ilang.  Sa gayon ay nagsugo si David ng mga tiktik+ upang malaman niya kung totoo ngang dumating si Saul.  Nang maglaon ay tumindig si David at pumaroon sa dakong pinagkakampuhan ni Saul, at nakita ni David ang dakong kinahihigan ni Saul, at gayundin ni Abner+ na anak ni Ner na pinuno ng kaniyang hukbo; at si Saul ay nakahiga sa loob ng bakuran ng kampo+ at ang bayan ay nagkakampo sa buong palibot niya.  Nang magkagayon ay sumagot si David at nagsabi kay Ahimelec na Hiteo+ at kay Abisai+ na anak ni Zeruias,+ na kapatid ni Joab: “Sino ang lulusong na kasama ko kay Saul sa kampo?” At sinabi ni Abisai: “Ako ang lulusong na kasama mo.”+  At si David ay kasama ni Abisai na nagtungo sa bayan nang kinagabihan; at, narito! si Saul ay nakahigang natutulog sa loob ng bakuran ng kampo at ang kaniyang sibat ay nakatusok sa lupa sa kaniyang ulunan, at si Abner at ang bayan ay nakahiga sa buong palibot niya.  Sinabi ngayon ni Abisai kay David: “Isinuko ngayon ng Diyos ang iyong kaaway sa iyong kamay.+ At ngayon, pakisuyo, hayaan mong tuhugin ko siya sa lupa sa pamamagitan ng sibat nang minsan lamang, at hindi ko iyon gagawin sa kaniya nang makalawang ulit.”  Gayunman, sinabi ni David kay Abisai: “Huwag mo siyang patayin, sapagkat sino ang nag-unat ng kaniyang kamay laban sa pinahiran ni Jehova+ at nanatiling walang-sala?”+ 10  At sinabi pa ni David: “Buháy si Jehova,+ si Jehova mismo ang mananakit+ sa kaniya; o darating ang kaniyang araw+ at siya nga ay mamamatay, o lulusong siya sa pagbabaka,+ at siya ay tiyak na malilipol.+ 11  Malayong mangyari,+ sa ganang akin, mula sa pangmalas ni Jehova,+ na iunat ang aking kamay+ laban sa pinahiran ni Jehova!+ Kaya ngayon, pakisuyo, kunin mo ang sibat na nasa kaniyang ulunan at ang banga ng tubig, at yumaon na tayo.” 12  Sa gayon ay kinuha ni David ang sibat at ang banga ng tubig mula sa dakong ulunan ni Saul, at pagkatapos ay yumaon na sila; at walang sinumang nakakita+ ni may sinumang nakapansin ni may sinumang nagising, sapagkat silang lahat ay natutulog, sapagkat isang mahimbing na tulog+ mula kay Jehova ang sumapit sa kanila. 13  Pagkatapos ay lumipat si David sa kabilang panig at tumayo sa taluktok ng bundok sa malayo, na may malawak na agwat sa pagitan nila. 14  At si David ay sumigaw sa bayan at kay Abner na anak ni Ner, na sinasabi: “Hindi ka ba sasagot, Abner?” At sumagot si Abner+ at nagsabi: “Sino ka na sumisigaw sa hari?” 15  At sinabi ni David kay Abner: “Hindi ka ba lalaki? At sino ang tulad mo sa Israel? Bakit nga hindi mo binantayan ang panginoon mong hari? Sapagkat may isa mula sa bayan na pumasok upang patayin ang hari na iyong panginoon.+ 16  Ang bagay na ito na ginawa mo ay hindi mabuti. Buháy si Jehova,+ dapat kayong mamatay,+ sapagkat hindi ninyo binantayan+ ang inyong panginoon, ang pinahiran ni Jehova.+ At ngayon ay tingnan ninyo kung nasaan ang sibat ng hari at ang banga ng tubig+ na nasa kaniyang ulunan.” 17  At nakilala ni Saul ang tinig ni David at nagsabi: “Ito ba ang tinig mo, anak kong David?”+ At sinabi ni David: “Tinig ko nga, panginoon kong hari.” 18  At isinusog niya: “Bakit nga hinahabol ng aking panginoon ang kaniyang lingkod,+ sapagkat ano ba ang ginawa ko, at ano bang kasamaan ang nasa aking kamay?+ 19  At ngayon, pakisuyo, pakinggan nawa ng panginoon kong hari ang mga salita ng kaniyang lingkod: Kung si Jehova ang nag-udyok sa iyo laban sa akin, makaamoy nawa siya ng handog na mga butil.+ Ngunit kung mga anak ng tao,+ sila ay isinumpa sa harap ni Jehova,+ sapagkat pinalayas nila ako ngayon upang hindi ko madamang kalakip ako sa mana ni Jehova,+ na sinasabi, ‘Yumaon ka, maglingkod ka sa ibang mga diyos!’+ 20  At ngayon ay huwag mong patuluin ang aking dugo sa lupa sa harap ng mukha ni Jehova;+ sapagkat ang hari ng Israel ay lumabas upang hanapin ang isang pulgas,+ gaya ng isang humahabol ng isang perdis sa mga bundok.”+ 21  Sinabi naman ni Saul: “Ako ay nagkasala.+ Bumalik ka, anak kong David, sapagkat hindi na kita gagawan ng pinsala, sa dahilang ang aking kaluluwa ay naging mahalaga+ sa iyong paningin sa araw na ito. Narito! Ako ay kumilos nang may kamangmangan at lubhang nagkamali.” 22  Nang magkagayon ay sumagot si David at nagsabi: “Narito ang sibat ng hari, at paparituhin mo ang isa sa mga kabataang lalaki at ipakuha mo ito. 23  At si Jehova nga ang gaganti sa bawat isa ng kaniyang sariling katuwiran+ at ng kaniyang sariling katapatan, anupat ibinigay ka ni Jehova ngayon sa aking kamay, at ayaw kong iunat ang aking kamay laban sa pinahiran ni Jehova.+ 24  At, narito! kung paanong naging dakila ang iyong kaluluwa sa aking paningin sa araw na ito, gayon nawa maging dakila ang aking kaluluwa sa paningin ni Jehova,+ upang iligtas niya ako mula sa lahat ng kabagabagan.”+ 25  Dahil dito ay sinabi ni Saul kay David: “Pagpalain ka nawa, anak kong David. Hindi lamang walang pagsalang gagawa ka kundi walang pagsalang ikaw rin ang magwawagi.”+ At yumaon si David sa kaniyang lakad; at kung tungkol kay Saul, bumalik siya sa kaniyang dako.+

Talababa