Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

1 Samuel 20:1-42

20  At si David ay tumakas+ mula sa Naiot sa Rama. Gayunman, siya ay dumating at nagsabi sa harap ni Jonatan: “Ano ba ang ginawa ko?+ Ano ang kamalian ko, at anong kasalanan ang ginawa ko sa harap ng iyong ama, sapagkat hinahanap niya ang aking kaluluwa?”  Dahil dito ay sinabi niya sa kaniya: “Malayong mangyari!+ Hindi ka mamamatay. Narito! Ang aking ama ay hindi gagawa ng malaking bagay o maliit na bagay nang hindi iyon ibinubunyag sa aking pandinig;+ at sa anong dahilan ikukubli sa akin ng aking ama ang bagay na ito?+ Hindi ito nangyayari.”  Ngunit bilang karagdagan ay sumumpa+ si David at nagsabi: “Tiyak na alam ng iyong ama na nakasumpong ako ng lingap sa iyong paningin,+ at sasabihin niya, ‘Huwag itong ipaalam kay Jonatan dahil baka masaktan siya.’ Ngunit, ang totoo, buháy si Jehova+ at buháy ang iyong kaluluwa,+ isang hakbang na lamang ang namamagitan sa akin at sa kamatayan!”+  At sinabi ni Jonatan kay David: “Anuman ang sabihin ng iyong kaluluwa ay gagawin ko para sa iyo.”  Dahil dito ay sinabi ni David kay Jonatan: “Narito! Bukas ay bagong buwan,+ at ako mismo ay walang pagsalang dapat na umupong kasama ng hari sa pagkain; at payaunin mo ako, at magkukubli+ ako sa parang hanggang sa kinagabihan sa ikatlong araw.  Kung hahanapin man ako ng iyong ama ay sasabihin mo nga, ‘Si David ay mahigpit na humiling sa akin ng panahon ng pagliban upang tumakbo sa Betlehem+ na kaniyang lunsod, sapagkat may taunang hain doon para sa buong pamilya.’+  Kung ganito ang sasabihin niya, ‘Mabuti!’ nangangahulugan ito ng kapayapaan sa iyong lingkod. Ngunit kung magagalit siya, talastasin mo na may itinalaga siyang masama.+  At magpakita ka ng maibiging-kabaitan sa iyong lingkod,+ sapagkat isinama mo ang iyong lingkod sa isang tipan+ kay Jehova. Ngunit kung may kamalian sa akin,+ ikaw na ang pumatay sa akin, sapagkat bakit mo pa ako dadalhin sa iyong ama?”  Dito ay sinabi ni Jonatan: “Malayong mangyari iyan may kaugnayan sa iyo! Ngunit kung malalaman kong may kasamaang itinalaga ang aking ama upang pasapitin sa iyo, hindi ko ba iyon sasabihin sa iyo?”+ 10  Nang magkagayon ay sinabi ni David kay Jonatan: “Sino ang magsasabi sa akin kung ang isasagot sa iyo ng iyong ama ay may kabagsikan?” 11  Sinabi naman ni Jonatan kay David: “Basta halika, at lumabas tayo sa parang.” Sa gayon ay kapuwa sila lumabas sa parang. 12  At sinabi ni Jonatan kay David: “Si Jehova na Diyos ng Israel+ [ang maging saksi]+ na aarukin ko ang aking ama sa ganitong oras bukas, o sa ikatlong araw, at kung kinalulugdan niya si David, hindi ba ako magsusugo sa iyo at ibubunyag nga iyon sa iyong pandinig? 13  Gayon nawa ang gawin ni Jehova kay Jonatan at gayon nawa ang idagdag niya roon,+ kung sakaling magiging waring mabuti sa aking ama na gumawa ng kasamaan laban sa iyo at hindi ko nga ibubunyag iyon sa iyong pandinig at payayaunin ka, at hindi ka nga makayaon nang payapa. At sumaiyo nawa si Jehova,+ kung paanong siya ay sumaaking ama.+ 14  At hindi mo nga ba, kung ako ay buháy pa,+ oo, hindi mo nga ba ipakikita sa akin ang maibiging-kabaitan ni Jehova, upang hindi ako mamatay?+ 15  At hindi mo papawiin ang iyong sariling maibiging-kabaitan mula sa aking sambahayan hanggang sa panahong walang takda.+ At kapag nilipol ni Jehova ang mga kaaway ni David, ang bawat isa mula sa ibabaw ng lupa, 16  ang pangalan ni Jonatan ay hindi rin mapapawi mula sa sambahayan ni David.+ At sisingilin iyon ni Jehova sa kamay ng mga kaaway ni David.” 17  Sa gayon ay muling sumumpa si Jonatan kay David dahil sa pag-ibig niya sa kaniya; sapagkat inibig niya siyang gaya ng pag-ibig niya sa kaniyang sariling kaluluwa.+ 18  At sinabi pa ni Jonatan sa kaniya: “Bukas ay bagong buwan,+ at tiyak na hahanapin ka, sapagkat magiging bakante ang iyong upuan. 19  At tiyak na sa ikatlong araw ay lalo ka pang hahanapin; at pumaroon ka sa dakong pinagkukublihan mo+ noong araw ng paggawa, at manatili kang malapit dito sa batong ito. 20  At kung tungkol sa akin, papana ako ng tatlong palaso sa isang panig nito, upang patamain ko ang mga iyon sa pagtutudlaan ko. 21  At, narito! isusugo ko ang tagapaglingkod, na sinasabi, ‘Yumaon ka, hanapin mo ang mga palaso.’ Kung sasabihin ko nga sa tagapaglingkod, ‘Narito! Ang mga palaso ay nasa panig mong ito, kunin mo ang mga iyon,’ kung gayon ay pumarito ka, sapagkat iyon ay nangangahulugan ng kapayapaan para sa iyo at walang anumang dapat ikabahala, buháy si Jehova.+ 22  Ngunit kung ganito ang sasabihin ko sa binatilyo, ‘Narito! Ang mga palaso ay malayo pa sa iyo,’ yumaon ka, sapagkat pinayaon ka ni Jehova. 23  At kung tungkol sa salita na sinalita natin,+ ako at ikaw, aba, si Jehova nawa ang mamagitan sa akin at sa iyo hanggang sa panahong walang takda.”+ 24  At si David ay nagkubli sa parang.+ At dumating ang bagong buwan, at ang hari ay umupo sa kainan upang kumain.+ 25  At ang hari ay nakaupo sa kaniyang upuan gaya ng dati, sa upuang nasa tabi ng dingding; at si Jonatan ay nakaharap sa kaniya, at si Abner+ ay nakaupo sa tabi ni Saul, ngunit ang dako ni David ay bakante. 26  At walang anumang sinabi si Saul nang araw na iyon, sapagkat sinabi niya sa kaniyang sarili: “May nangyari kung kaya hindi siya malinis,+ sapagkat hindi pa siya nalilinisan.” 27  At nangyari nga nang araw pagkaraan ng bagong buwan, nang ikalawang araw, na ang dako ni David ay nanatiling bakante. Dahil dito ay sinabi ni Saul kay Jonatan na kaniyang anak: “Bakit hindi pumarito sa kainan ang anak ni Jesse+ kahapon man o ngayon?” 28  Sa gayon ay sumagot si Jonatan kay Saul: “Si David ay mahigpit na humiling sa akin ng panahon ng pagliban upang pumaroon sa Betlehem.+ 29  At sinabi pa niya, ‘Pakisuyo, payaunin mo ako sapagkat mayroon kaming pampamilyang hain sa lunsod, at ang sarili kong kapatid ang nag-utos sa akin. Kaya ngayon, kung nakasumpong ako ng lingap sa iyong paningin, pakisuyo, bayaan mo akong yumaon upang makita ko ang aking mga kapatid.’ Iyan ang dahilan kung bakit hindi siya pumarito sa mesa ng hari.” 30  Nang magkagayon ay nag-init ang galit+ ni Saul laban kay Jonatan at sinabi niya sa kaniya: “Ikaw na anak ng isang mapaghimagsik na utusang babae,+ hindi ko ba lubos na nalalaman na pinipili mo ang anak ni Jesse sa iyong sariling ikahihiya at sa ikahihiya ng mga lihim na bahagi ng iyong ina?+ 31  Sapagkat sa lahat ng mga araw na buháy ang anak ni Jesse sa ibabaw ng lupa, ikaw at ang iyong pagkahari ay hindi matatatag nang matibay.+ Kaya ngayon ay magsugo ka at dalhin mo siya sa akin, sapagkat siya ay nakatalaga sa kamatayan.”+ 32  Gayunman, sumagot si Jonatan kay Saul na kaniyang ama at nagsabi sa kaniya: “Bakit siya papatayin?+ Ano ba ang nagawa niya?”+ 33  Dahil dito ay inihagis ni Saul sa kaniya ang sibat upang patamaan siya;+ at nalaman ni Jonatan na itinalaga na ng kaniyang ama na patayin si David.+ 34  Kaagad na tumindig mula sa mesa si Jonatan na nag-iinit sa galit,+ at hindi siya kumain ng tinapay nang ikalawang araw pagkaraan ng bagong buwan, dahil nasaktan siya may kaugnayan kay David,+ sapagkat hiniya siya ng kaniyang sariling ama.+ 35  At nangyari nga, nang kinaumagahan ay lumabas si Jonatan patungo sa parang na itinakdang dako ni David,+ at isang kabataang tagapaglingkod ang kasama niya. 36  At sinabi niya sa kaniyang tagapaglingkod: “Pakisuyo, tumakbo ka, hanapin mo ang mga palaso na aking ipinapana.”+ Ang tagapaglingkod ay tumakbo, at ipinana niya ang palaso upang palampasin iyon sa kaniya. 37  Nang makarating ang tagapaglingkod hanggang sa kinaroroonan ng palaso na ipinana ni Jonatan, si Jonatan ay tumawag mula sa likuran ng tagapaglingkod at nagsabi: “Hindi ba malayo pa sa iyo ang palaso?”+ 38  At si Jonatan ay patuloy na tumawag mula sa likuran ng tagapaglingkod: “Dali! Kumilos kang mabilis! Huwag kang tumigil!” At pinulot ng tagapaglingkod ni Jonatan ang mga palaso at pagkatapos ay pumaroon sa kaniyang panginoon. 39  Kung tungkol sa tagapaglingkod, wala itong nalalamang anuman; tanging si Jonatan at si David ang nakaaalam ng tungkol sa bagay na iyon. 40  Pagkatapos ay ibinigay ni Jonatan ang kaniyang mga sandata sa kaniyang tagapaglingkod at sinabi niya rito: “Yumaon ka, dalhin mo ang mga ito sa lunsod.” 41  Ang tagapaglingkod ay yumaon. Kung tungkol kay David, tumindig siya mula sa malapit sa dakong timog. Pagkatapos ay isinubsob niya ang kaniyang mukha sa lupa+ at yumukod nang tatlong ulit; at hinalikan+ nila ang isa’t isa at tinangisan ang isa’t isa, hanggang sa magawa iyon ni David nang higit.+ 42  At sinabi ni Jonatan kay David: “Yumaon kang payapa,+ yamang tayo ay sumumpa,+ tayong dalawa, sa pangalan ni Jehova, na sinasabi, ‘Si Jehova nawa ang mamagitan sa akin at sa iyo at sa aking supling at sa iyong supling hanggang sa panahong walang takda.’ ”+ Sa gayon ay tumindig si David at yumaon, at si Jonatan naman ay pumasok sa lunsod.

Talababa