Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

1 Pedro 4:1-19

4  Samakatuwid yamang si Kristo ay nagdusa sa laman,+ magsakbat din kayo sa inyong sarili ng gayunding disposisyon ng kaisipan;+ sapagkat ang taong nagdusa sa laman ay huminto na mula sa mga kasalanan,+  upang maipamuhay niya ang nalalabi ng kaniyang panahon sa laman,+ hindi na ukol sa mga pagnanasa ng mga tao, kundi ukol sa kalooban ng Diyos.+  Sapagkat ang panahong+ nagdaan ay sapat na upang maisagawa ninyo ang kalooban ng mga bansa+ nang lumalakad kayo sa mga gawa ng mahalay na paggawi,+ masasamang pita, mga pagpapakalabis sa alak,+ mga walang-taros na pagsasaya, mga paligsahan sa pag-inom, at mga bawal na idolatriya.+  Sa dahilang hindi kayo patuloy na tumatakbong kasama nila sa landasing ito sa gayunding pusali ng kabuktutan,+ sila ay nagtataka at patuloy na nagsasalita nang may pang-aabuso tungkol sa inyo.+  Ngunit ang mga taong ito ay magsusulit sa isa+ na handang humatol sa mga buháy at sa mga patay.+  Sa katunayan, sa layuning ito ipinahayag din sa mga patay+ ang mabuting balita, upang sila ay mahatulan ayon sa laman mula sa pangmalas ng mga tao+ ngunit mabuhay ayon sa espiritu+ mula sa pangmalas ng Diyos.  Ngunit ang wakas ng lahat ng mga bagay ay malapit na.+ Kaya nga, maging matino sa pag-iisip,+ at maging mapagpuyat may kinalaman sa mga panalangin.+  Higit sa lahat, magkaroon kayo ng masidhing pag-ibig sa isa’t isa,+ sapagkat ang pag-ibig ay nagtatakip ng maraming kasalanan.+  Maging mapagpatuloy sa isa’t isa nang walang bulung-bulungan.+ 10  Ayon sa kaloob na tinanggap ng bawat isa, gamitin ito sa paglilingkod sa isa’t isa bilang mabubuting katiwala ng di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos na ipinamamalas sa iba’t ibang paraan.+ 11  Kung ang sinuman ay nagsasalita, salitain niya iyon na gaya ng mga sagradong kapahayagan+ ng Diyos; kung ang sinuman ay naglilingkod,+ maglingkod siya na umaasa sa lakas na inilalaan ng Diyos;+ upang sa lahat ng mga bagay ay luwalhatiin ang Diyos+ sa pamamagitan ni Jesu-Kristo. Ang kaluwalhatian+ at ang kalakasan ay kaniya magpakailan-kailanman. Amen. 12  Mga minamahal, huwag kayong magtaka sa panununog sa gitna ninyo, na nangyayari sa inyo bilang isang pagsubok,+ na para bang isang kakaibang bagay ang nangyayari sa inyo. 13  Sa halip, patuloy kayong magsaya+ yamang kayo ay mga kabahagi sa mga pagdurusa ng Kristo,+ upang kayo ay makapagsaya at mag-umapaw rin sa kagalakan sa panahon ng pagkakasiwalat+ ng kaniyang kaluwalhatian. 14  Kung dinudusta kayo dahil sa pangalan ni Kristo,+ kayo ay maligaya,+ sapagkat ang espiritu ng kaluwalhatian, ang espiritu mismo ng Diyos, ay namamalagi sa inyo.+ 15  Gayunman, huwag magdusa ang sinuman sa inyo+ bilang isang mamamaslang o magnanakaw o manggagawa ng kasamaan o bilang isang mapakialam+ sa mga bagay-bagay ng ibang tao. 16  Ngunit kung siya ay nagdurusa+ bilang isang Kristiyano, huwag siyang mahiya,+ kundi patuloy niyang luwalhatiin ang Diyos sa pangalang ito. 17  Sapagkat ito ang takdang panahon upang ang paghatol ay pasimulan sa bahay ng Diyos.+ Ngayon kung ito ay nagsisimula muna sa atin,+ ano kaya ang magiging wakas niyaong mga hindi masunurin sa mabuting balita ng Diyos?+ 18  “At kung ang taong matuwid ay naliligtas nang may kahirapan,+ saan kaya haharap ang taong di-makadiyos at ang makasalanan?”+ 19  Kung gayon nga, patuloy na ipagkatiwala rin niyaong mga nagdurusa na kasuwato ng kalooban ng Diyos ang kanilang mga kaluluwa sa isang tapat na Maylalang habang gumagawa sila ng mabuti.+

Talababa