Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

1 Juan 1:1-10

1  Yaong buhat pa nang pasimula,+ na narinig namin,+ na nakita namin ng aming mga mata,+ na buong-ingat naming minasdan+ at nahipo ng aming mga kamay,+ may kinalaman sa salita ng buhay,+  (oo, ang buhay ay nahayag,+ at aming nakita at pinatototohanan+ at iniuulat sa inyo ang buhay na walang hanggan+ na kasama ng Ama at nahayag sa amin,)  yaong aming nakita at narinig ay iniuulat din namin sa inyo,+ upang kayo rin ay magkaroon ng pakikibahagi sa amin.+ Karagdagan pa, ang pakikibahagi+ nating ito ay sa Ama at sa kaniyang Anak na si Jesu-Kristo.+  Kaya naman isinusulat namin ang mga bagay na ito upang ang kagalakan natin ay malubos.+  At ito ang mensahe na aming narinig mula sa kaniya at ipinatatalastas sa inyo,+ na ang Diyos ay liwanag+ at walang anumang kadiliman kung kaisa niya.+  Kung sasabihin natin: “May pakikibahagi tayo sa kaniya,” at gayunma’y patuloy tayong lumalakad sa kadiliman,+ tayo ay nagsisinungaling at hindi gumagawa ayon sa katotohanan.+  Gayunman, kung lumalakad tayo sa liwanag gaya niya mismo na nasa liwanag,+ may pakikibahagi nga tayo sa isa’t isa,+ at nililinis+ tayo ng dugo+ ni Jesus na kaniyang Anak mula sa lahat ng kasalanan.+  Kung sasabihin natin: “Wala tayong kasalanan,”+ inililigaw natin ang ating sarili+ at ang katotohanan ay wala sa atin.  Kung ipagtatapat natin ang ating mga kasalanan,+ siya ay tapat at matuwid upang patawarin tayo sa ating mga kasalanan at linisin tayo mula sa lahat ng kalikuan.+ 10  Kung sasabihin natin: “Hindi tayo nagkasala,” ginagawa natin siyang sinungaling, at ang kaniyang salita ay wala sa atin.+

Talababa