Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

1 Hari 8:1-66

8  Nang panahong iyon ay tinipon+ ni Solomon+ ang matatandang+ lalaki ng Israel, ang lahat ng mga ulo ng mga tribo,+ ang mga pinuno ng mga ama,+ ng mga anak ni Israel, kay Haring Solomon sa Jerusalem, upang iahon ang kaban ng tipan+ ni Jehova mula sa Lunsod ni David,+ samakatuwid ay sa Sion.+  Kaya ang lahat ng lalaki ng Israel ay nagtipun-tipon kay Haring Solomon nang buwang lunar ng Etanim nang kapistahan,+ samakatuwid ay nang ikapitong buwan.+  Kaya ang lahat ng matatandang lalaki ng Israel ay dumating, at pinasimulang buhatin+ ng mga saserdote ang Kaban.+  At iniahon nila ang kaban ni Jehova at ang tolda+ ng kapisanan+ at ang lahat ng banal na kagamitang nasa tolda; at iniahon ang mga iyon+ ng mga saserdote at ng mga Levita.+  At si Haring Solomon at ang buong kapulungan ng Israel na kasama niya, yaong mga tumutupad sa kanilang pakikipagtipanan sa kaniya, ay nasa harap ng Kaban, na naghahain+ ng mga tupa at ng mga baka na hindi mabilang o matuos ang dami dahil sa karamihan.+  Nang magkagayon ay ipinasok ng mga saserdote ang kaban+ ng tipan ni Jehova sa dako+ nito, sa kaloob-loobang silid ng bahay, sa Kabanal-banalan, sa ilalim ng mga pakpak ng mga kerubin.+  Sapagkat nakaunat ang mga pakpak ng mga kerubin sa ibabaw ng kinaroroonan ng Kaban, anupat pinananatiling natatabingan ng mga kerubin ang Kaban at ang mga pingga nito mula sa itaas.+  Ngunit ang mga pingga+ ay mahahaba, kaya ang mga dulo ng mga pingga ay nakikita mula sa dakong Banal sa harap ng kaloob-loobang silid, ngunit ang mga iyon ay hindi nakikita sa labas. At doon nananatili ang mga iyon hanggang sa araw na ito.+  Walang anumang nasa Kaban maliban sa dalawang tapyas+ na bato na inilagay+ ni Moises doon sa Horeb, nang si Jehova ay makipagtipan+ sa mga anak ni Israel habang lumalabas sila mula sa lupain ng Ehipto.+ 10  At nangyari nga nang lumabas ang mga saserdote mula sa dakong banal, pinunô ng ulap+ ang bahay ni Jehova. 11  At ang mga saserdote+ ay hindi makatayo upang gawin ang kanilang paglilingkod+ dahil sa ulap, sapagkat pinunô ng kaluwalhatian+ ni Jehova ang bahay ni Jehova.+ 12  Nang pagkakataong iyon ay sinabi ni Solomon: “Si Jehova ang nagsabi na tatahan siya sa makapal na karimlan.+ 13  Ako ay matagumpay na nakapagtayo ng isang bahay na marangal na tahanan para sa iyo,+ isang tatag na dako+ upang panahanan mo hanggang sa panahong walang takda.”+ 14  Nang magkagayon ay iniharap ng hari ang kaniyang mukha at pinasimulang pagpalain+ ang buong kongregasyon ng Israel, habang ang buong kongregasyon ng Israel ay nakatayo. 15  At sinabi niya: “Pinagpala si Jehova+ na Diyos ng Israel, na siyang nakipag-usap kay David+ na aking ama sa pamamagitan ng kaniyang sariling bibig at sa pamamagitan ng kaniyang sariling kamay ay nagbigay ng katuparan,+ na nagsasabi, 16  ‘Mula nang araw na ilabas ko ang aking bayang Israel mula sa Ehipto ay hindi ako pumili+ ng isang lunsod mula sa lahat ng tribo ng Israel upang magtayo ng isang bahay+ na doon mananatili ang aking pangalan;+ ngunit pipiliin ko si David upang mamahala sa aking bayang Israel.’+ 17  At naging malapit sa puso ni David na aking ama na magtayo ng isang bahay para sa pangalan ni Jehova na Diyos ng Israel.+ 18  Ngunit sinabi ni Jehova kay David na aking ama, ‘Sa dahilang malapit sa iyong puso na magtayo ng isang bahay para sa aking pangalan, mahusay ang ginawa mo, sapagkat ito ay malapit sa iyong puso.+ 19  Lamang ay hindi ikaw ang magtatayo ng bahay, kundi ang iyong anak na lalabas mula sa iyong mga balakang ang magtatayo ng bahay para sa aking pangalan.’+ 20  At tinupad ni Jehova ang kaniyang salita+ na sinalita niya, upang tumindig ako bilang kahalili ni David na aking ama at umupo sa trono ng Israel,+ gaya ng sinalita ni Jehova, at upang maitayo ko ang bahay para sa pangalan ni Jehova na Diyos ng Israel,+ 21  at upang makahanap ako ng dako roon para sa Kaban na kinaroroonan ng tipan+ ni Jehova na ipinakipagtipan niya sa ating mga ninuno noong inilalabas niya sila mula sa lupain ng Ehipto.” 22  At si Solomon ay nagsimulang tumayo sa harapan ng altar+ ni Jehova sa harap ng buong kongregasyon ng Israel, at iniunat niya ngayon ang kaniyang mga palad tungo sa langit;+ 23  at sinabi niya: “O Jehova na Diyos ng Israel,+ walang Diyos na tulad mo+ sa langit sa itaas o sa lupa sa ibaba, na nag-iingat ng tipan at ng maibiging-kabaitan+ para sa iyong mga lingkod+ na lumalakad sa harap mo nang kanilang buong puso,+ 24  ikaw na siyang tumupad para sa iyong lingkod na si David na aking ama niyaong ipinangako mo sa kaniya, anupat binitiwan mo ang pangako sa pamamagitan ng iyong sariling bibig, at sa pamamagitan ng iyong sariling kamay ay tinupad mo, gaya ng sa araw na ito.+ 25  At ngayon, O Jehova na Diyos ng Israel, tuparin mo sa iyong lingkod na si David na aking ama yaong ipinangako mo sa kaniya, na sinasabi, ‘Walang lalaking mula sa iyo ang aalisin sa harap ko na uupo sa trono ng Israel,+ kung ang iyong mga anak lamang ay mag-iingat ng kanilang lakad sa pamamagitan ng paglakad sa harap ko gaya ng paglakad mo sa harap ko.’ 26  At ngayon, O Diyos ng Israel, maging mapagkakatiwalaan nawa ang iyong pangakong+ ipinangako mo sa iyong lingkod na si David na aking ama, pakisuyo. 27  “Ngunit totoo bang ang Diyos ay mananahanan sa ibabaw ng lupa?+ Narito! Sa mga langit,+ oo, sa langit ng mga langit,+ ay hindi ka magkasya;+ gaano pa kaya sa bahay+ na ito na aking itinayo! 28  At bumaling ka sa panalangin+ ng iyong lingkod at sa kaniyang paghiling ng lingap,+ O Jehova na aking Diyos, upang makinig sa pagsusumamo at sa panalangin na idinadalangin ng iyong lingkod sa harap mo ngayon;+ 29  upang ang iyong mga mata ay maidilat+ tungo sa bahay na ito gabi at araw, tungo sa dako na tungkol dito ay iyong sinabi, ‘Ang aking pangalan ay doroon,’+ upang makinig sa panalangin na idinadalangin ng iyong lingkod tungo sa dakong ito.+ 30  At dinggin mo ang paghiling ng lingap+ mula sa iyong lingkod at sa iyong bayang Israel na idinadalangin nila tungo sa dakong ito; at makinig ka nawa sa iyong dakong tinatahanan, sa langit,+ at makinig ka at magpatawad.+ 31  “Kapag ang isang tao ay nagkasala laban sa kaniyang kapuwa,+ at magpataw nga siya ng sumpa sa kaniya upang papanagutin siya sa sumpa,+ at mapasailalim nga siya sa sumpa sa harap ng iyong altar sa bahay na ito, 32  kung gayon ay makinig ka nawa mula sa langit, at kumilos ka at humatol sa iyong mga lingkod sa pamamagitan ng pag-aaring balakyot sa isa na balakyot sa pamamagitan ng pagpapataw ng kaniyang lakad sa kaniyang sariling ulo,+ at sa pamamagitan ng pag-aaring matuwid sa isa na matuwid+ anupat ibinibigay sa kaniya ang ayon sa kaniyang katuwiran.+ 33  “Kapag ang iyong bayang Israel ay natalo sa harap ng kaaway,+ sapagkat patuloy silang nagkakasala laban sa iyo,+ at manumbalik nga sila sa iyo+ at pumuri sa iyong pangalan+ at manalangin+ at humiling ng lingap sa iyo sa bahay na ito,+ 34  kung gayon ay makinig ka nawa mula sa mga langit, at patawarin mo ang kasalanan ng iyong bayang Israel+ at ibalik mo sila+ sa lupaing ibinigay mo sa kanilang mga ninuno.+ 35  “Kapag ang langit ay nasarhan anupat walang dumating na ulan,+ sapagkat patuloy silang nagkakasala+ laban sa iyo, at sila ay talagang manalangin tungo sa dakong ito+ at pumuri sa iyong pangalan, at mula sa kanilang kasalanan ay tumalikod sila, sapagkat patuloy mo silang pinipighati,+ 36  kung gayon ay makinig ka nawa mula sa langit, at patawarin mo ang kasalanan ng iyong mga lingkod, ng iyo ngang bayang Israel, sapagkat itinuturo+ mo sa kanila ang mabuting daan na dapat nilang lakaran;+ at magbigay ka ng ulan+ sa iyong lupaing ibinigay mo sa iyong bayan bilang minanang pag-aari. 37  “Sakaling magkaroon ng taggutom+ sa lupain, sakaling magkaroon ng salot,+ sakaling magkaroon ng pagkatuyot, amag,+ mga balang,+ mga ipis;+ sakaling kubkubin sila ng kanilang kaaway sa lupain ng kanilang mga pintuang-daan—anumang uri ng salot, anumang uri ng karamdaman— 38  anumang panalangin,+ anumang paghiling ng lingap+ ang gawin ng sinumang tao o ng iyong buong bayang Israel,+ sapagkat alam ng bawat isa sa kanila ang salot ng kaniyang sariling puso,+ at talagang iunat nila ang kanilang mga palad tungo sa bahay na ito,+ 39  kung gayon ay makinig ka nawa mula sa langit,+ ang iyong tatag na dakong tinatahanan,+ at magpatawad ka+ at kumilos+ at magbigay sa bawat isa ng ayon sa lahat ng kaniyang mga lakad,+ sapagkat nalalaman mo ang kaniyang puso+ (sapagkat ikaw lamang ang lubos na nakaaalam sa puso ng lahat ng mga anak ng sangkatauhan);+ 40  upang matakot+ sila sa iyo sa lahat ng mga araw ng kanilang buhay sa ibabaw ng lupang ibinigay mo sa aming mga ninuno.+ 41  “At gayundin sa banyaga,+ na hindi bahagi ng iyong bayang Israel at nagmula nga sa malayong lupain dahil sa iyong pangalan+ 42  (sapagkat maririnig nila ang tungkol sa iyong dakilang pangalan+ at ang tungkol sa iyong malakas na kamay+ at ang tungkol sa iyong unat na bisig), at siya ay talagang dumating at manalangin tungo sa bahay na ito,+ 43  makinig ka nawa mula sa langit, sa iyong tatag na dakong tinatahanan,+ at gawin mo ang ayon sa lahat ng ipinananawagan sa iyo ng banyaga;+ upang makilala ng lahat ng bayan sa lupa ang iyong pangalan+ upang matakot sila sa iyo gaya ng iyong bayang Israel, at upang malaman na ang iyong pangalan mismo ay itinawag sa bahay na ito na aking itinayo.+ 44  “Sakaling ang iyong bayan ay lumabas upang makipagdigma+ laban sa kanilang kaaway sa daang pinagsuguan mo sa kanila,+ at manalangin+ nga sila kay Jehova sa direksiyon ng lunsod na iyong pinili+ at ng bahay na aking itinayo para sa iyong pangalan,+ 45  dinggin mo rin mula sa langit ang kanilang panalangin at ang kanilang paghiling ng lingap, at maglapat ka ng hatol para sa kanila.+ 46  “Sakaling magkasala sila laban sa iyo+ (sapagkat walang taong hindi nagkakasala),+ at magalit ka sa kanila at pabayaan mo sila sa kaaway, at dalhin nga silang bihag ng kanilang mga mambibihag sa lupain ng kaaway sa malayo o sa malapit;+ 47  at matauhan nga sila sa lupaing pinagdalhang bihag sa kanila,+ at sila ay talagang manumbalik+ at humiling+ sa iyo ng lingap sa lupain ng kanilang mga mambibihag,+ na sinasabi, ‘Kami ay nagkasala+ at nagkamali,+ kami ay gumawi nang may kabalakyutan’;+ 48  at sila ay manumbalik nga sa iyo nang kanilang buong puso+ at nang kanilang buong kaluluwa sa lupain ng kanilang mga kaaway na nagdalang bihag sa kanila, at sila ay manalangin nga sa iyo sa direksiyon ng kanilang lupain na ibinigay mo sa kanilang mga ninuno, ng lunsod na iyong pinili at ng bahay na aking itinayo para sa iyong pangalan;+ 49  dinggin mo rin mula sa langit, na iyong tatag na dakong tinatahanan,+ ang kanilang panalangin at ang kanilang paghiling ng lingap, at maglapat ka ng hatol para sa kanila,+ 50  at patawarin+ mo ang iyong bayang nagkasala+ laban sa iyo at ang lahat ng kanilang mga pagsalansang+ na ipinansalansang nila laban sa iyo;+ at pangyarihin mong kahabagan sila+ sa harap ng kanilang mga mambibihag at kahahabagan nila sila 51  (sapagkat sila ay iyong bayan at iyong mana,+ na inilabas mo mula sa Ehipto,+ mula sa loob ng hurnong bakal),+ 52  upang maidilat ang iyong mga mata sa paghiling ng lingap ng iyong lingkod at sa paghiling ng lingap+ ng iyong bayang Israel, sa pamamagitan ng pagdinig sa kanila sa lahat ng kanilang ipananawagan sa iyo.+ 53  Sapagkat ikaw ang nagbukod sa kanila bilang iyong mana mula sa lahat ng bayan sa lupa,+ gaya ng sinalita mo sa pamamagitan ni Moises+ na iyong lingkod noong inilalabas mo ang aming mga ninuno mula sa Ehipto, O Soberanong Panginoong Jehova.” 54  At nangyari, nang matapos si Solomon na ipanalangin kay Jehova ang lahat ng panalanging ito at paghiling ng lingap, tumindig siya mula sa harap ng altar ni Jehova, mula sa pagkakaluhod ng kaniyang mga tuhod+ habang ang kaniyang mga palad ay nakaunat tungo sa langit;+ 55  at pinasimulan niyang tumayo+ at pagpalain+ ang buong kongregasyon ng Israel sa isang malakas na tinig, na sinasabi: 56  “Pagpalain nawa si Jehova,+ na siyang nagbigay ng pahingahang-dako sa kaniyang bayang Israel ayon sa lahat ng ipinangako niya.+ Walang isa mang salita ang nabigo+ sa lahat ng kaniyang mabuting pangako na ipinangako niya sa pamamagitan ni Moises na kaniyang lingkod.+ 57  Sumaatin nawa si Jehova na ating Diyos+ kung paanong siya ay sumaating mga ninuno.+ Huwag niya nawa tayong iwan ni pabayaan man,+ 58  upang maikiling sa kaniya ang ating puso+ na lumakad sa lahat ng kaniyang mga daan+ at tuparin ang kaniyang mga utos+ at ang kaniyang mga tuntunin+ at ang kaniyang mga hudisyal na pasiya,+ na iniutos niya sa ating mga ninuno. 59  At ang mga salita kong ito nawa na inihiling ko ng lingap sa harap ni Jehova ay maging malapit+ kay Jehova na ating Diyos sa araw at gabi, upang maglapat siya ng hatol para sa kaniyang lingkod at ng hatol para sa kaniyang bayang Israel ayon sa kakailanganin nito sa araw-araw;+ 60  upang malaman ng lahat ng bayan sa lupa+ na si Jehova ang tunay na Diyos.+ Wala nang iba.+ 61  At ang inyong puso nawa ay maging sakdal+ kay Jehova na ating Diyos sa paglakad sa kaniyang mga tuntunin at sa pagtupad sa kaniyang mga utos gaya ng sa araw na ito.” 62  At ang hari at ang buong Israel na kasama niya ay naghandog ng isang malaking hain sa harap ni Jehova.+ 63  At inihandog ni Solomon ang mga haing pansalu-salo+ na kinailangan niyang ihandog kay Jehova, dalawampu’t dalawang libong baka at isang daan at dalawampung libong tupa,+ upang mapasinayaan+ ng hari at ng lahat ng mga anak ni Israel ang bahay ni Jehova. 64  Nang araw na iyon ay kinailangan ng hari na pabanalin ang gitna ng loobang nasa harap ng bahay ni Jehova,+ sapagkat doon niya kinailangang iharap ang haing sinusunog at ang handog na mga butil at ang matatabang piraso ng mga haing pansalu-salo; sapagkat ang altar na tanso+ na nasa harap ni Jehova ay napakaliit upang magkasya ang haing sinusunog at ang handog na mga butil at ang matatabang+ piraso ng mga haing pansalu-salo. 65  At ang kapistahan+ nang panahong iyon ay idinaos ni Solomon, at ng buong Israel na kasama niya, isang malaking kongregasyon+ mula sa pagpasok sa Hamat+ hanggang sa agusang libis ng Ehipto,+ sa harap ni Jehova na ating Diyos nang pitong araw at karagdagan pang pitong araw,+ labing-apat na araw. 66  Nang ikawalong araw ay pinayaon niya ang bayan;+ at pinasimulan nilang pagpalain ang hari at umuwi sa kanilang mga tahanan, na nagsasaya+ at nagagalak ang puso+ dahil sa lahat ng kabutihang+ ipinakita ni Jehova para kay David na kaniyang lingkod at para sa Israel na kaniyang bayan.

Talababa