Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

1 Hari 6:1-38

6  At nangyari nang ikaapat na raan at walumpung taon pagkalabas ng mga anak ni Israel mula sa lupain ng Ehipto,+ noong ikaapat na taon,+ nang buwan ng Ziv,+ samakatuwid ay noong ikalawang buwan,+ pagkatapos na si Solomon ay maging hari sa Israel, na pinasimulan niyang itayo ang bahay para kay Jehova.+  At ang bahay na itinayo ni Haring Solomon+ para kay Jehova ay may haba na animnapung siko,+ at ang lapad nito ay dalawampu, at ang taas nito ay tatlumpung siko.+  At ang beranda+ sa harap ng templo ng bahay ay may haba na dalawampung siko, sa harap ng kalaparan ng bahay. Ang lalim nito ay sampung siko, sa harap ng bahay.  At para sa bahay ay gumawa siya ng mga bintana na may papakipot na mga hamba.+  Karagdagan pa, sa tabi ng pader ng bahay ay nagtayo siya ng isang panggilid na kayarian sa buong palibot, sa tabi ng mga pader ng bahay sa buong palibot ng templo at ng kaloob-loobang silid,+ at gumawa ng mga tagilirang silid+ sa buong palibot.  Ang pinakaibabang tagilirang silid ay may lapad na limang siko, at ang panggitna ay may lapad na anim na siko, at ang ikatlo ay may lapad na pitong siko; sapagkat may mga tuntungan+ siyang ginawa sa bahay sa buong palibot sa labas, upang hindi iyon kumapit sa mga pader ng bahay.+  Kung tungkol sa bahay, habang itinatayo, ito ay itinayo mula sa tinibag na bato+ na gawa na; at kung tungkol sa mga martilyo at mga palakol o anumang kasangkapang bakal, ang mga iyon ay hindi narinig sa bahay+ habang ito ay itinatayo.  Ang pasukan+ ng pinakaibabang tagilirang silid ay nasa kanang panig ng bahay, at sa pamamagitan ng isang papaikot na hagdan ay pumapanhik sila patungo sa panggitna, at mula sa panggitna patungo sa ikatlo.  Karagdagan pa, patuloy niyang itinayo ang bahay upang matapos niya iyon,+ at ang bahay ay binubungan niya ng mga biga at ng mga hanay na tablang sedro.+ 10  Bukod diyan, ang mga tagilirang silid+ na limang siko ang taas ay itinayo niya sa tabi ng buong bahay, at ang mga iyon ay nakakapit sa bahay sa pamamagitan ng mga tabla+ ng punong sedro. 11  Samantala, ang salita ni Jehova ay dumating kay Solomon,+ na nagsasabi:+ 12  “Kung tungkol sa bahay na ito na itinatayo mo, kung lalakad ka sa aking mga batas+ at isasagawa ang aking mga hudisyal na pasiya+ at talagang tutuparin ang lahat ng aking mga utos sa pamamagitan ng paglakad sa mga iyon,+ tiyak na tutuparin ko rin ang aking salita sa iyo na sinalita ko kay David na iyong ama;+ 13  at tatahan nga ako sa gitna ng mga anak ni Israel,+ at hindi ko iiwan ang aking bayang Israel.”+ 14  At patuloy na itinayo ni Solomon ang bahay upang matapos niya iyon.+ 15  At itinayo niya ang mga pader ng bahay sa loob na ginagamitan ng mga tabla ng sedro. Mula sa sahig ng bahay hanggang sa mga tahilan ng kisame, kinalupkupan niya iyon ng mga kahoy sa loob; at ang sahig ng bahay ay kinalupkupan pa niya ng mga tabla ng enebro.+ 16  Karagdagan pa, siya ay nagtayo ng dalawampung siko sa dakong likuran ng bahay na ginagamitan ng mga tabla ng sedro, mula sa sahig hanggang sa mga tahilan, at nagtayo para roon sa loob ng kaloob-loobang+ silid, ang Kabanal-banalan.+ 17  At ang bahay ay apatnapung siko, samakatuwid ay ang templo+ sa harap niyaon.+ 18  At ang tablang sedro sa loob ng bahay ay may inukit na mga palamuting hugis-upo+ at mga bungkos ng bulaklak.+ Ang lahat nito ay tablang sedro; walang batong makikita. 19  At ang kaloob-loobang+ silid sa loob ng bahay ay inihanda niya sa loob, upang ilagay roon ang kaban+ ng tipan+ ni Jehova. 20  At ang kaloob-loobang silid ay may haba na dalawampung siko, at ang lapad ay dalawampung siko,+ at ang taas nito ay dalawampung siko; at kinalupkupan niya ito ng dalisay na ginto,+ at kinalupkupan niya ang altar+ ng tablang sedro. 21  At kinalupkupan+ ni Solomon ang loob ng bahay ng dalisay na ginto,+ at nagparaan siya ng tanikalang+ ginto sa harap ng kaloob-loobang silid,+ at kinalupkupan niya iyon ng ginto. 22  At ang buong bahay ay kinalupkupan niya ng ginto,+ hanggang sa matapos ang buong bahay; at ang buong altar+ na nasa gawi roon ng kaloob-loobang silid ay kinalupkupan niya ng ginto.+ 23  Karagdagan pa, gumawa siya sa kaloob-loobang silid ng dalawang kerubin+ na yari sa kahoy ng punong-langis, na ang taas ng bawat isa ay sampung siko.+ 24  At ang isang pakpak ng kerubin ay limang siko, at ang kabilang pakpak ng kerubin ay limang siko. Sampung siko iyon mula sa dulo ng kaniyang pakpak hanggang sa dulo ng kaniyang pakpak.+ 25  At ang ikalawang kerubin ay sampung siko. Ang dalawang kerubin ay magkatulad ang sukat at magkatulad ang hugis. 26  Ang taas ng isang kerubin ay sampung siko, at gayon din ang isa pang kerubin. 27  Nang magkagayon ay ipinasok niya ang mga kerubin sa pinakaloob na bahay, anupat iniunat nila ang mga pakpak ng mga kerubin.+ Kaya ang pakpak ng isa ay umabot sa pader at ang pakpak ng isa pang kerubin ay umaabot sa kabilang pader; at ang kanilang mga pakpak ay pahilig sa gitna ng bahay, na nagpapang-abot ang pakpak sa pakpak.+ 28  Bukod diyan, kinalupkupan niya ng ginto ang mga kerubin.+ 29  At ang lahat ng pader ng bahay sa palibot ay inukitan niya ng nililok na inukit na mga kerubin+ at mga larawan ng puno ng palma+ at mga lilok na mga bulaklak,+ sa loob at sa labas; 30  at ang sahig+ ng bahay ay kinalupkupan niya ng ginto, sa loob at sa labas. 31  At ang pasukan ng kaloob-loobang silid ay ginawa niya na may mga pinto+ na yari sa kahoy ng punong-langis:+ mga panggilid na haligi, mga poste ng pinto at ang ikalimang bahagi. 32  At ang dalawang pinto ay yari sa kahoy ng punong-langis, at umukit siya sa mga iyon ng inukit na mga kerubin at mga larawan ng puno ng palma at ng mga lilok na bulaklak, at kinalupkupan niya ng ginto ang mga iyon; at pinukpukan niya ng ginto ang mga kerubin at ang mga larawan ng puno ng palma. 33  At gayon ang ginawa niya para sa pasukan ng templo, sa mga poste ng pinto na yari sa kahoy ng punong-langis, parisukat. 34  At ang dalawang pinto ay yari sa kahoy ng enebro.+ Ang dalawang pohas ng isang pinto ay pumipihit sa mga paikutan, at ang dalawang pohas ng kabilang pinto ay pumipihit sa mga paikutan.+ 35  At siya ay umukit ng mga kerubin at ng mga larawan ng puno ng palma at ng mga lilok na mga bulaklak, at nagkalupkop ng gintong palara sa mga inukit.+ 36  At itinayo niya ang pinakaloob+ na looban na may tatlong hanay+ ng tinabas na bato at isang hanay ng mga biga na yari sa tablang sedro. 37  Nang ikaapat na taon ay inilatag ang pundasyon+ ng bahay ni Jehova, nang buwang lunar ng Ziv;+ 38  at nang ikalabing-isang taon, nang buwang lunar ng Bul, samakatuwid ay nang ikawalong buwan, ang bahay ay natapos+ sa lahat ng detalye nito at sa buong plano+ nito; anupat pitong taon niya itong itinayo.

Talababa