Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

1 Hari 5:1-18

5  At si Hiram+ na hari ng Tiro+ ay nagsugo ng kaniyang mga lingkod+ kay Solomon, sapagkat narinig niya na siya ang pinahiran nila bilang hari na kahalili ng kaniyang ama; sapagkat si Hiram ay lagi nang umiibig kay David.+  Si Solomon naman ay nagsugo kay Hiram, na nagsasabi:+  “Alam na alam mo na hindi nakapagtayo si David na aking ama ng isang bahay para sa pangalan ni Jehova na kaniyang Diyos dahil sa pakikidigma+ na ipinalibot nila sa kaniya, hanggang sa ilagay sila ni Jehova sa ilalim ng mga talampakan ng kaniyang mga paa.  At ngayon ay binigyan ako ni Jehova na aking Diyos ng kapahingahan sa buong palibot.+ Walang kalaban, at walang anumang masama na nangyayari.+  At narito, iniisip kong magtayo ng isang bahay para sa pangalan ni Jehova na aking Diyos,+ gaya ng ipinangako ni Jehova kay David na aking ama, na sinasabi, ‘Ang iyong anak na siyang ilalagay ko sa iyong trono bilang kahalili mo, siya ang magtatayo ng bahay para sa aking pangalan.’+  At ngayon ay utusan mo silang pumutol para sa akin ng mga sedro mula sa Lebanon;+ at ang aking mga lingkod ang makakasama ng iyong mga lingkod, at ang kabayaran ng iyong mga lingkod ay ibibigay ko sa iyo ayon sa lahat ng iyong sabihin, sapagkat alam na alam mo na sa amin ay walang isa man ang marunong pumutol ng mga punungkahoy tulad ng mga Sidonio.”+  At nangyari, nang marinig ni Hiram+ ang mga salita ni Solomon, siya ay nagsimulang magsaya nang lubha, at siya ay nagsabi: “Pinagpala+ si Jehova ngayon dahil binigyan niya si David ng isang anak na marunong+ na namamahala sa malaking bayang ito!”+  Sa gayon ay nagsugo si Hiram kay Solomon, na nagsasabi: “Narinig ko ang pasabi mo sa akin. Sa ganang akin, gagawin ko ang buong kaluguran mo may kinalaman sa mga tabla ng mga punong sedro at sa mga tabla ng mga puno ng enebro.+  Ang aking mga lingkod ang magbababa ng mga iyon mula sa Lebanon+ hanggang sa dagat; at ako naman ang maglalagay ng mga iyon sa mga balsang troso upang dumaan sa dagat hanggang sa dako na ipasasabi mo sa akin;+ at ipakakalag ko nga roon ang mga iyon, at ikaw naman ang magdadala ng mga iyon; at gagawin mo naman ang aking kaluguran sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain sa aking sambahayan.”+ 10  Kaya si Hiram ay naging isang tagapagbigay ng mga tabla ng mga punong sedro at ng mga tabla ng mga puno ng enebro kay Solomon ayon sa kaniyang buong kaluguran. 11  At si Solomon naman ay nagbigay kay Hiram ng dalawampung libong takal na kor+ ng trigo bilang laang pagkain para sa kaniyang sambahayan at dalawampung takal na kor ng napigang+ langis. Iyan ang patuloy na ibinibigay ni Solomon kay Hiram taun-taon.+ 12  At si Jehova naman ay nagbigay kay Solomon ng karunungan, gaya ng ipinangako niya sa kaniya;+ at nagkaroon ng kapayapaan sa pagitan ni Hiram at ni Solomon, at silang dalawa ay nagtipan. 13  At patuloy na iniaahon ni Haring Solomon yaong mga tinawag para sa puwersahang pagtatrabaho mula sa buong Israel; at yaong mga tinawag para sa puwersahang pagtatrabaho+ ay umabot sa tatlumpung libong lalaki. 14  At isinusugo niya sila sa Lebanon sa rilyebong sampung libo sa isang buwan. Sa loob ng isang buwan ay nananatili sila sa Lebanon, sa loob ng dalawang buwan ay sa kanilang mga tahanan;+ at si Adoniram+ ang namamahala roon sa mga tinawag+ para sa puwersahang pagtatrabaho.+ 15  At si Solomon ay nagkaroon+ ng pitumpung libong tagapagdala ng pasan+ at walumpung libong maninibag+ sa bundok,+ 16  bukod pa sa mga malaprinsipeng kinatawan+ ni Solomon na namamahala sa mga gawain, tatlong libo tatlong daang kapatas+ na namamahala sa mga tao na abala sa gawain. 17  At ang hari ay nag-utos na magtibag sila ng malalaking bato, mamahaling mga bato,+ upang mailatag ang pundasyon+ ng bahay sa pamamagitan ng mga tinabas na bato.+ 18  Kaya ang mga tagapagtayo ni Solomon at ang mga tagapagtayo ni Hiram at ang mga Gebalita+ ang gumawa ng pagputol, at patuloy nilang inihahanda ang mga tabla at ang mga bato upang itayo ang bahay.

Talababa