Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

1 Cronica 14:1-17

14  At si Hiram+ na hari ng Tiro+ ay nagpadala ng mga mensahero kay David at mga tabla ng sedro+ at mga tagapagtayo ng mga pader at mga manggagawa sa kahoy upang ipagtayo siya ng bahay.+  At nalaman ni David na itinatag+ siyang matibay ni Jehova bilang hari sa Israel, sapagkat ang kaniyang paghahari ay lubhang itinaas dahil sa kaniyang bayang Israel.+  At si David ay kumuha pa ng mga asawa+ sa Jerusalem, at si David ay nagkaanak ng marami pang mga anak na lalaki at mga anak na babae.+  At ito ang mga pangalan ng kaniyang naging mga anak sa Jerusalem: si Samua+ at si Sobab,+ si Natan+ at si Solomon,+  at si Ibhar+ at si Elisua at si Elpelet,+  at si Noga at si Nepeg+ at si Japia,  at si Elisama+ at si Beeliada at si Elipelet.+  At narinig ng mga Filisteo na si David ay pinahiran na bilang hari sa buong Israel.+ Dahil dito ay umahon ang lahat ng mga Filisteo upang hanapin si David.+ Nang marinig iyon ni David, siya ay lumabas laban sa kanila.  At ang mga Filisteo, sa ganang kanila, ay pumasok at patuloy na lumusob sa mababang kapatagan ng Repaim.+ 10  At si David ay nagsimulang sumangguni sa Diyos,+ na nagsasabi: “Aahon ba ako laban sa mga Filisteo, at talaga bang ibibigay mo sila sa aking kamay?” Dahil dito ay sinabi ni Jehova sa kaniya: “Umahon ka, at talagang ibibigay ko sila sa iyong kamay.” 11  Kaya umahon si David sa Baal-perazim+ at pinabagsak niya sila roon. Dahil doon ay sinabi ni David: “Nilansag ng tunay na Diyos ang aking mga kaaway sa pamamagitan ng aking kamay tulad ng guwang na nalikha ng tubig.” Iyan ang dahilan kung bakit nila tinawag na Baal-perazim ang pangalan ng dakong iyon.+ 12  Sa gayon ay iniwan nila roon ang kanilang mga diyos.+ At si David ay nag-utos, kung kaya ang mga iyon ay sinunog sa apoy.+ 13  Nang maglaon ay lumusob pang muli ang mga Filisteo sa mababang kapatagan.+ 14  Dahil dito ay muling sumangguni+ si David sa Diyos, at ang tunay na Diyos ay nagsabi sa kaniya: “Huwag kang umahong kasunod nila. Lumigid ka mula sa mismong tapat nila, at pumaroon ka sa kanila sa tapat ng mga palumpong na baca.+ 15  At mangyari nga, kapag narinig mo ang yabag ng paglalakad sa mga dulo ng mga palumpong na baca,+ lumabas ka sa pakikipaglaban,+ sapagkat ang tunay na Diyos ay lumabas na sa unahan mo+ upang pabagsakin ang kampo ng mga Filisteo.” 16  Kaya ginawa ni David ang gaya ng iniutos ng tunay na Diyos sa kaniya,+ at pinabagsak nila ang kampo ng mga Filisteo mula sa Gibeon+ hanggang sa Gezer.+ 17  At ang kabantugan+ ni David ay nagsimulang lumaganap sa lahat ng lupain, at pinasapitan ni Jehova ng panghihilakbot sa kaniya ang lahat ng bansa.+

Talababa