Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

1 Corinto 8:1-13

8  Ngayon may kinalaman sa mga pagkaing inihandog sa mga idolo:+ alam natin na tayong lahat ay may kaalaman.+ Ang kaalaman ay nakapagpapalalo, ngunit ang pag-ibig ay nagpapatibay.+  Kung iniisip ng sinuman na nagtamo na siya ng kaalaman tungkol sa isang bagay,+ hindi pa niya nalalaman iyon gaya ng nararapat niyang malaman.+  Ngunit kung iniibig ng sinuman ang Diyos,+ ang isang ito ay kilala niya.+  Ngayon may kinalaman sa pagkain+ ng mga pagkaing inihandog sa mga idolo, alam natin na ang isang idolo ay walang anuman+ sa sanlibutan, at na walang Diyos maliban sa isa.+  Sapagkat bagaman may mga tinatawag na “mga diyos,”+ maging sa langit+ man o sa lupa,+ kung paanong maraming “mga diyos” at maraming “mga panginoon,”+  sa atin nga ay may iisang Diyos+ ang Ama,+ na pinagmulan ng lahat ng bagay, at tayo ay para sa kaniya;+ at may iisang Panginoon,+ si Jesu-Kristo,+ na ang lahat ng bagay ay sa pamamagitan niya,+ at tayo ay sa pamamagitan niya.  Gayunpaman, hindi taglay ng lahat ng tao ang kaalamang ito;+ kundi ang ilan, palibhasa’y namihasa sa idolo hanggang ngayon, ay kumakain ng pagkain na parang inihain ito sa idolo,+ at ang kanilang budhi, palibhasa’y mahina, ay nadudungisan.+  Ngunit ang pagkain ay hindi magtataguyod sa atin sa Diyos;+ kung hindi tayo kumakain, hindi tayo nagkukulang, at, kung kumakain tayo, wala tayong kapurihan sa ganang atin.+  Ngunit lagi kayong mag-ingat na sa paanuman ang awtoridad ninyong ito ay hindi maging katitisuran doon sa mahihina.+ 10  Sapagkat kung may sinumang makakita sa iyo, ang isa na may kaalaman, na nakahilig sa kainan sa isang templo ng idolo, hindi ba ang budhi ng isang iyon na mahina ay mapatitibay hanggang sa punto na kakain siya ng mga pagkaing inihandog sa mga idolo?+ 11  Ang totoo, sa pamamagitan ng iyong kaalaman, ang taong mahina ay napapahamak, ang iyong kapatid na alang-alang sa kaniya ay namatay si Kristo.+ 12  Ngunit kapag nagkakasala kayo nang gayon laban sa inyong mga kapatid at sinusugatan ang kanilang budhi+ na mahina, nagkakasala kayo laban kay Kristo. 13  Kaya nga, kung ang pagkain ay nagpapatisod sa aking kapatid,+ hindi na ako muling kakain ng karne, upang hindi ko matisod ang aking kapatid.+

Talababa