Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online

BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

1 Corinto 5:1-13

5  Ang totoo ay may nababalitang pakikiapid+ sa gitna ninyo, at ang gayong pakikiapid ay wala kahit sa gitna man ng mga bansa, na kinuha ng isang lalaki ang asawa ng kaniyang ama.+  At nagmamalaki ba kayo,+ at hindi ba kayo sa halip ay nagdalamhati,+ upang ang tao na gumawa ng gawang ito ay alisin sa gitna ninyo?+  Ako mismo, bagaman wala riyan sa katawan ngunit naririyan sa espiritu, ay talagang humatol na,+ na para bang naririyan ako, sa taong gumawa ng ganitong bagay,  upang sa pangalan ng ating Panginoong Jesus, kapag nagkakatipon kayo, gayundin ang aking espiritu taglay ang kapangyarihan ng ating Panginoong Jesus,+  ay ibigay ninyo ang gayong tao kay Satanas+ para sa pagkapuksa ng laman, upang ang espiritu+ ay maligtas sa araw ng Panginoon.+  Ang dahilan ng inyong paghahambog+ ay hindi mabuti. Hindi ba ninyo alam na ang kaunting lebadura ay nagpapaalsa+ sa buong limpak?+  Alisin ninyo ang lumang lebadura, upang kayo ay maging isang bagong limpak,+ yamang sa inyo ay walang pampaalsa. Sapagkat si Kristo+ nga na ating paskuwa+ ay inihain na.+  Dahil dito ay ipagdiwang natin ang kapistahan,+ hindi sa lumang lebadura,+ ni sa lebadura+ ng kasamaan at kabalakyutan,+ kundi sa mga walang-pampaalsang tinapay ng kataimtiman at katotohanan.+  Sa aking liham ay sinulatan ko kayo na tigilan ang pakikihalubilo sa mga mapakiapid, 10  hindi ang ibig sabihin ay sa lahat ng mapakiapid+ sa sanlibutang ito+ o sa mga taong sakim at mga mangingikil o mga mananamba sa idolo. Sapagkat kung gayon, kailangang umalis na nga kayo sa sanlibutan.+ 11  Ngunit ngayon ay isinusulat ko sa inyo na tigilan ang pakikihalubilo+ sa sinumang tinatawag na kapatid na isang mapakiapid o taong sakim+ o mananamba sa idolo o manlalait o lasenggo+ o mangingikil, na huwag man lamang kumaing kasama ng gayong tao. 12  Sapagkat ano ang kinalaman ko sa paghatol sa mga nasa labas?+ Hindi ba ninyo hinahatulan yaong mga nasa loob,+ 13  samantalang ang Diyos ang humahatol sa mga nasa labas?+ “Alisin ninyo ang taong balakyot mula sa gitna ninyo.”+

Talababa