Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Bibliya Online | BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN

1 Corinto 13:1-13

13  Kung nagsasalita ako sa mga wika+ ng mga tao at ng mga anghel ngunit wala akong pag-ibig, ako ay naging isang tumutunog na piraso ng tanso o isang tumataguntong na simbalo.+  At kung ako ay may kaloob na panghuhula+ at may kabatiran sa lahat ng sagradong lihim+ at sa lahat ng kaalaman,+ at kung taglay ko ang lahat ng pananampalataya upang maglipat ng mga bundok,+ ngunit wala akong pag-ibig, ako ay walang kabuluhan.+  At kung ibinibigay ko ang lahat ng aking mga pag-aari upang pakainin ang iba,+ at kung ibinibigay ko ang aking katawan,+ upang ako ay makapaghambog, ngunit wala akong pag-ibig,+ hindi ako nakikinabang sa paanuman.  Ang pag-ibig+ ay may mahabang pagtitiis+ at mabait.+ Ang pag-ibig ay hindi mapanibughuin,+ ito ay hindi nagyayabang,+ hindi nagmamalaki,+  hindi gumagawi nang hindi disente,+ hindi naghahanap ng sarili nitong kapakanan,+ hindi napupukaw sa galit.+ Hindi ito nagbibilang ng pinsala.+  Hindi ito nagsasaya sa kalikuan,+ kundi nakikipagsaya sa katotohanan.+  Tinitiis nito ang lahat ng bagay,+ pinaniniwalaan ang lahat ng bagay,+ inaasahan ang lahat ng bagay,+ binabata ang lahat ng bagay.+  Ang pag-ibig ay hindi kailanman nabibigo.+ Ngunit kahit may mga kaloob na panghuhula, ang mga ito ay aalisin; kahit may mga wika man, ang mga ito ay maglalaho; kahit may kaalaman man, ito ay aalisin.+  Sapagkat mayroon tayong bahagyang kaalaman+ at nanghuhula tayo nang bahagya;+ 10  ngunit kapag yaong ganap ay dumating,+ yaong bahagya ay aalisin. 11  Noong ako ay sanggol pa, nagsasalita akong gaya ng sanggol, nag-iisip na gaya ng sanggol, nangangatuwirang gaya ng sanggol; ngunit ngayong ganap na ang aking pagkatao,+ inalis ko na ang mga ugali ng isang sanggol. 12  Sapagkat sa kasalukuyan ay nakakakita tayo ng malabong anyo sa pamamagitan ng salaming metal,+ ngunit pagkatapos ay magiging mukhaan na.+ Sa kasalukuyan ay nakaaalam ako nang bahagya, ngunit pagkatapos ay makaaalam ako nang may katumpakan kung paanong ako ay may-katumpakang nakikilala.+ 13  Gayunman, ngayon ay nananatili ang pananampalataya, pag-asa, pag-ibig, ang tatlong ito; ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay pag-ibig.+

Talababa