Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Turuan ang Iyong mga Anak

 LEKSIYON 1

Isang Sekreto na Gustong-gusto Nating Malaman

Isang Sekreto na Gustong-gusto Nating Malaman

Nasabihan ka na ba ng isang sekreto? * May sinasabi ang Bibliya na isang espesyal na sekretong tinatawag na “sagradong lihim.” Sagrado, kasi galing iyon sa Diyos. At hindi pa alam iyon ng mga tao kaya isang lihim iyon. Kahit ang mga anghel, gustong malaman ang sekretong iyon. Ikaw, gusto mo din ba?

Ano kaya ang gustong malaman ng mga anghel?

Noong unang panahon, ginawa ng Diyos ang unang lalaki at babae. Ang pangalan nila ay Adan at Eva. Binigyan sila ng Diyos ng isang magandang tirahan na tinatawag na hardin ng Eden. Kung sinunod lang nina Adan at Eva ang Diyos, nagawa sana nilang paraiso ang buong lupa, katulong ang kanilang mga anak. At nabuhay sana sila nang walang hanggan sa Paraiso. Pero natatandaan mo ba kung ano ang ginawa nina Adan at Eva?

Hindi sumunod sa Diyos sina Adan at Eva kaya wala tayo ngayon sa paraiso. Pero sinabi ng Diyos na pagagandahin niya ang buong lupa, at ang lahat ay magiging masaya at hindi na mamamatay. Paano niya gagawin ito? Noon, sekreto pa ito kaya hindi pa alam ng mga tao.

Noong nandito si Jesus sa lupa, tinuruan niya ang mga tao tungkol sa sekretong ito. Sinabi niya na tungkol ito sa Kaharian ng Diyos. Tinuruan ni Jesus ang mga tao na manalangin na sana’y dumating ang kaharian ng Diyos. Gagawin nitong magandang paraiso ang lupa.

Gusto mo bang malaman ang sekretong ito?Tandaan, ang mga masunurin lang kay Jehova ang titira sa Paraiso. Maraming kuwento ang Bibliya tungkol sa mga lalaki at babae na naging masunurin kay Jehova. Gusto mo ba silang makilala?Alamin natin kung sino ang ilan sa kanila at kung paano tayo magiging gaya nila.

^ par. 3 Sa lahat ng kuwento, may makikita kang markang gaya nito (—) na kasunod ng ilang tanong. Kapag nakita mo ito, magandang huminto sandali at hintaying sumagot ang iyong anak.