Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Matatapos Pa ba ang Pagdurusa?

Matatapos Pa ba ang Pagdurusa?

Sasabihin mo bang . . .

  • oo?

  • hindi?

  • siguro?

 ANG SABI NG BIBLIYA

“Papahirin [ng Diyos] ang kanilang mga luha. Wala nang kamatayan, dalamhati, pag-iyak, at sakit.”​—Pahayag (o, Apocalipsis) 21:4, Magandang Balita Biblia.

ANO ANG MAITUTULONG NITO SA IYO?

Makatitiyak kang hindi ang Diyos ang nagbibigay sa atin ng problema.​—Santiago 1:13.

Maaaliw kang malaman na nasasaktan din ang Diyos kapag nagdurusa tayo.​—Zacarias 2:8.

Makaaasa kang matatapos din ang lahat ng pagdurusa.​—Awit 37:9-11.

 MAPANINIWALAAN BA NATIN ANG SINASABI NG BIBLIYA?

Oo, sa dalawang dahilan:

  • Nasusuklam ang Diyos sa kalupitan at pagdurusa. Pansinin ang nadama ng Diyos na Jehova nang pagmalupitan ang bayan niya noong panahon ng Bibliya. Sinasabi ng Bibliya na nasaktan siya dahil sa “mga umaapi sa kanila.”​—Hukom 2:18, Bagong Sanlibutang Salin.

    Galit na galit ang Diyos sa mga nananakit ng kanilang kapuwa. Halimbawa, sinasabi ng Bibliya na kinamumuhian niya ang “mga pumapatay sa walang kasalanan.”​—Kawikaan 6:16, 17, Magandang Balita Biblia.

  • Nagmamalasakit ang Diyos sa bawat isa sa atin. Gusto ni Jehova na ilapit natin sa kaniya ang lahat ng ating alalahanin dahil ‘siya ay nagmamalasakit sa atin.’​—1 Pedro 5:7.

    Sa pamamagitan ng kaniyang Kaharian, malapit nang tapusin ni Jehova ang pagdurusa ng bawat isa sa atin. (Mateo 6:9, 10) Sa ngayon, inaalalayan niya muna ang mga umaasa sa kaniya.​—Gawa 17:27; 2 Corinto 1:3, 4.

 PAG-ISIPAN ITO

Bakit hinahayaan ng Diyos na magdusa ang mga tao?

Sinasagot iyan ng Bibliya sa ROMA 5:12 at 2 PEDRO 3:9.

Higit Pang Impormasyon

MAGANDANG BALITA MULA SA DIYOS!

Bakit Hinahayaan ng Diyos ang Kasamaan at Pagdurusa?

Paano nagsimula ang kasamaan at bakit pinahihintulutan ng Diyos na magpatuloy ito? Mawawala pa ba ang pagdurusa?