Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Puwedeng Maging Masaya ang Iyong Pamilya

 SEKSIYON 4

Kung Paano Magbabadyet ng Pera

Kung Paano Magbabadyet ng Pera

“Sa mga nagsasanggunian ay may karunungan.”Kawikaan 13:10

Kailangan natin ng pera para mapaglaanan ang ating pamilya. (Kawikaan 30:8) Tutal, “ang salapi ay pananggalang.” (Eclesiastes 7:12) Baka mahirap para sa inyong mag-asawa na pag-usapan ang tungkol sa pera. Pero huwag hayaang maging problema ito sa inyong pagsasama. (Efeso 4:32) Dapat kayong magtiwala sa isa’t isa at magkasamang magdesisyon kung paano magbabadyet.

 1 MAGPLANONG MABUTI

ANG SABI NG BIBLIYA: “Sino sa inyo na nais magtayo ng tore ang hindi muna uupo at tutuusin ang gastusin, upang makita kung mayroon siyang sapat upang matapos iyon?” (Lucas 14:28) Napakahalagang planuhing magkasama kung paano gagamitin ang inyong pera. (Amos 3:3) Alamin kung ano ang kailangang bilhin at kung magkano lang ang inyong badyet. (Kawikaan 31:16) Hindi komo may pambili ka ay bibili ka na. Iwasang mangutang. Gumastos lang ayon sa pera mo.Kawikaan 21:5; 22:7.

ANG PUWEDE MONG GAWIN:

  • Kung may sobrang pera sa katapusan ng buwan, pag-usapan kung ano ang gagawin ninyo rito

  • Kung kapusin naman kayo, planuhin kung paano babawasan ang inyong gastusin. Halimbawa, magluto na lang imbes na kumain sa labas

 2 MAGING TAPAT AT MAKATOTOHANAN

ANG SABI NG BIBLIYA: “Gumawi nang matapat sa lahat ng bagay.” (Hebreo 13:18) Sabihin sa iyong asawa ang totoo mong kita at gastos.

Laging kumonsulta muna sa asawa bago gumawa ng malalaking desisyon tungkol sa pera. (Kawikaan 13:10) Kung gagawin ninyo ito, maiiwasan ang pagtatalo. Isipin na ang kita mo ay hindi mo lang pera, kundi pera ng pamilya.1 Timoteo 5:8.

ANG PUWEDE MONG GAWIN:

  • Pagkasunduan ang halaga na puwedeng gastusin ng bawat isa nang hindi na nagpapaalam

  • Huwag hintaying magkaproblema bago pag-usapan ang tungkol sa pera

Higit Pang Impormasyon

Problema sa Pera at Utang—Makakatulong ba ang Bibliya?

Hindi nabibili ng pera ang kaligayahan. May apat na simulain sa Bibliya na makakatulong sa paghawak ng pera.

Kung Paano Makokontrol ang Paggasta

Huwag hintaying maubos muna ang pera ninyo bago pag-isipan kung paano kayo gumagastos. Alamin kung paano ninyo makokontrol ang inyong paggasta.

Dapat Ba Akong Mangutang?

Matutulungan kang magpasiya ng karunungan mula sa Bibliya.