Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Manumbalik Ka kay Jehova

Konklusyon

Konklusyon

Naaalaala mo ba ang masasayang araw mo kasama ng mga lingkod ni Jehova—isang nakapagpapatibay na pulong sa kongregasyon, kapana-panabik na kombensiyon, masayang karanasan sa ministeryo, o kahit pakikipagkuwentuhan lang sa isang kapananampalataya? Kung oo, hindi mo pa nalilimutan si Jehova at hindi ka rin niya nalilimutan. Naaalaala niya ang iyong tapat na paglilingkod. At gustong-gusto ka niyang tulungang makapanumbalik sa kaniya.

“Narito ako, ako mismo, at hahanapin ko ang aking mga tupa,” ang sabi ni Jehova, “at pangangalagaan ko sila. Gaya ng pangangalaga niyaong nagpapakain sa kaniyang kawan sa araw ng kaniyang pagparoon sa gitna ng kaniyang mga tupa na nangalat, ganiyan ko pangangalagaan ang aking mga tupa; at ililigtas ko sila mula sa lahat ng mga dako na pinangalatan nila.”—Ezekiel 34:11, 12.