Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Magandang Balita Mula sa Diyos!

 ARALIN 15

Bakit Dapat Kang Magpatuloy?

Bakit Dapat Kang Magpatuloy?

1. Bakit makakatulong sa iyo ang patuloy na pag-aaral ng Bibliya?

Tiyak na lumalim ang pag-ibig mo kay Jehova dahil sa mga natutuhan mo sa brosyur na ito. Pero kailangan mong magpatuloy para lumalim pa ang pag-ibig na iyan. (1 Pedro 2:2) Kung patuloy kang mag-aaral ng Salita ng Diyos, mapapalapít ka sa kaniya at magkakaroon ng buhay na walang hanggan.Basahin ang Juan 17:3; Judas 21.

Habang nadadagdagan ang alam mo tungkol sa Diyos, tumitibay ang iyong pananampalataya. Ang pananampalataya naman ang tutulong sa iyo na mapasaya ang Diyos. (Hebreo 11:1, 6) Mapapakilos ka nitong magsisi at gumawa ng mga pagbabago sa iyong buhay.Basahin ang Gawa 3:19.

2. Paano mo magagamit ang mga natututuhan mo tungkol sa Diyos para matulungan ang iba?

Puwede kang magkaroon ng malapít na kaugnayan kay Jehova

Siyempre, gusto mo ring malaman ng iba ang natututuhan mo—sabik tayong lahat na magsabi ng magandang balita. Sa patuluyang pag-aaral ng Salita ng Diyos, matututuhan mong gamitin ang Bibliya para ipaliwanag ang mabuting balita at ang pananampalataya mo kay Jehova.Basahin ang Roma 10:13-15.

Ang karamihan ay nagsisimula sa pagsasabi ng mabuting balita sa mga kaibigan at kamag-anak. Pero maging maingat. Imbes na sabihing mali ang relihiyon nila, sabihin sa kanila ang mga pangako ng Diyos. Tandaan din na mas tumatanim sa isip ng tao ang mabait na paggawi ng isa kaysa sa sinasabi niya.Basahin ang 2 Timoteo 2:24, 25.

3. Anong uri ng kaugnayan sa Diyos ang puwede mong makamit?

Makakatulong sa iyo ang pag-aaral ng Bibliya para lumalim ang kaalaman mo tungkol sa Diyos. Di-magtatagal, magkakaroon ka ng napakaespesyal na kaugnayan kay Jehova. Magiging miyembro ka ng kaniyang pamilya.Basahin ang 2 Corinto 6:18.

 4. Paano ka patuloy na susulong?

Patuloy kang mag-aral ng Salita ng Diyos para matutuhan mo kung paano isasabuhay ang mga simulain ng Bibliya. (Hebreo 5:13, 14) Puwede kang magpatulong sa isang Saksi ni Jehova na pag-aralan ang Bibliya gamit ang aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Miyentras dumarami ang alam mo sa Salita ng Diyos, lalong magiging makabuluhan ang buhay mo.Basahin ang Awit 1:1-3; 73:27, 28.

Ang magandang balita ay galing kay Jehova, ang maligayang Diyos. Mas mapapalapít ka sa kaniya kung magiging malapít ka rin sa mga lingkod niya. (Hebreo 10:24, 25) Kung patuloy mong sisikaping gawin ang makapagpapasaya sa puso ni Jehova, maaabot mo ang tunay na buhay—buhay na walang hanggan. Wala nang mas mabuti pa kaysa mapalapít sa Diyos.Basahin ang 1 Timoteo 1:11; 6:19.

 

Higit Pang Impormasyon

Ano’ng Mayroon sa Kingdom Hall?

Panoorin ang video para makita mo kung ano’ng mayroon sa Kingdom Hall.

Bakit Magandang Mag-aral ng Bibliya?

Sinasagot ng Bibliya ang mahahalagang tanong ng milyon-milyong tao sa daigdig. Gusto mo rin bang masagot ang mga tanong mo?

Maging Malapít sa Diyos sa Panalangin

Nakikinig ba ang Diyos kapag nananalangin ka? Para masagot iyan, kailangan mong maintindihan ang itinuturo ng Bibliya tungkol sa panalangin.