Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Magandang Balita Mula sa Diyos!

 ARALIN 3

Galing ba Talaga sa Diyos ang Magandang Balita?

Galing ba Talaga sa Diyos ang Magandang Balita?

1. Sino ang Awtor ng Bibliya?

Ang magandang balita na maninirahan ang tao sa lupa magpakailanman ay nasa Bibliya. (Awit 37:29) Ang Bibliya ay binubuo ng 66 na maliliit na aklat. Mga 40 tapat na lalaki ang ginamit ng Diyos para isulat ang mga ito. Ang unang limang aklat ay isinulat ni Moises mga 3,500 taon na ang nakalilipas. Ang huling aklat naman ay isinulat ni apostol Juan mahigit 1,900 taon na ang nakararaan. Kaninong kaisipan ang isinulat sa Bibliya? Nagsalita ang Diyos sa mga manunulat ng Bibliya sa pamamagitan ng kaniyang banal na espiritu. (2 Samuel 23:2) Kaisipan ng Diyos ang isinulat ng mga lalaking ito, hindi ang sa kanila. Kaya si Jehova ang Awtor ng Bibliya.Basahin ang 2 Timoteo 3:16; 2 Pedro 1:20, 21.

2. Paano tayo nakakasiguro na totoo ang sinasabi ng Bibliya?

Alam nating galing sa Diyos ang Bibliya dahil tumpak at detalyado ang mga hula nito. Hindi kayang gawin iyan ng tao. (Josue 23:14) Tanging ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat ang makapagsasabi ng magiging kinabukasan ng sangkatauhan.Basahin ang Isaias 42:9; 46:10.

Siyempre kung ang Bibliya ay galing sa Diyos, hindi ito ordinaryong aklat. Bilyun-bilyong kopya nito ang naipamahagi na sa daan-daang wika. Bagaman isang sinaunang aklat ang Bibliya, kaayon ito ng mga napatunayang turo ng siyensiya. At hindi nagkakasalungatan ang sinasabi ng 40 manunulat nito. * Bukod diyan, itinatampok ng Bibliya ang pag-ibig ng Diyos, at kaya nitong baguhin ang buhay ng tao. Kaya naman milyun-milyon ang kumbinsido na ang Bibliya ay Salita ng Diyos.Basahin ang 1 Tesalonica 2:13.

 3. Ano ang nilalaman ng Bibliya?

Ang Bibliya ay nakapokus sa magandang balita na ang Diyos ay may napakagandang layunin para sa atin. Ipinaliliwanag nito kung paano naiwala noon ng tao ang pagkakataong mabuhay sa paraisong lupa at kung paano maibabalik ang paraiso.Basahin ang Apocalipsis 21:4, 5.

Naglalaman din ang Salita ng Diyos ng mga batas, simulain, at payo. Nakaulat din sa Bibliya kung paano nakitungo ang Diyos sa sangkatauhan noon. Mula sa mga ulat na ito, malalaman natin ang mga katangian niya. Matututuhan mo rin sa Bibliya kung paano mo magiging kaibigan ang Diyos.—Basahin ang Awit 19:7, 11; Santiago 2:23; 4:8.

4. Paano mo maiintindihan ang nilalaman ng Bibliya?

Matutulungan ka ng brosyur na ito na maintindihan ang Bibliya sa pamamagitan ng pamamaraang ginamit ni Jesus. Tuwing bumabanggit siya ng teksto, ipinaliliwanag niya ang “kahulugan ng Kasulatan.”Basahin ang Lucas 24:27, 45.

Napakasayang malaman ang magandang balita mula sa Diyos. Pero may mga tao na hindi interesado rito, at may mga naiinis pa nga. Huwag kang paapekto sa kanila. Ang pag-asa mong mabuhay nang walang hanggan ay nakadepende sa pagkilala mo sa Diyos.Basahin ang Juan 17:3.

 

^ par. 3 Tingnan ang brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao.

Higit Pang Impormasyon

Paano Tayo Nakakasiguro na Totoo ang Sinasabi ng Bibliya?

Kung ang Bibliya ay galing sa Diyos, tiyak na walang ibang aklat ang makapapantay rito.

Ang Bibliya—Isang Aklat Mula sa Diyos

Paano ka matutulungan ng Bibliya sa mga problema mo? Bakit totoo ang mga hula nito?

Ano ba ang Katotohanan Tungkol sa Diyos?

Nagmamalasakit kaya sa iyo ang Diyos? Alamin ang mga katangian niya at kung paano ka mapapalapít sa kaniya.