Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Magandang Balita Mula sa Diyos!

 ARALIN 7

Ano ang Kaharian ng Diyos?

Ano ang Kaharian ng Diyos?

1. Ano ang Kaharian ng Diyos?

Bakit si Jesus ang nararapat na maging Hari?MARCOS 1:40-42.

Ang Kaharian ng Diyos ay isang gobyerno sa langit. Ito ang papalit sa lahat ng iba pang gobyerno at isasakatuparan nito ang kalooban ng Diyos sa langit at sa lupa. Ang pagdating ng Kaharian ng Diyos ay isang magandang balita. Ibibigay ng Kaharian ng Diyos ang uri ng pamamahalang pinakahahangad ng tao. Pagkakaisahin nito ang lahat ng tao sa mundo.Basahin ang Daniel 2:44; Mateo 6:9, 10; 24:14.

Siyempre, ang isang kaharian ay may hari. Inatasan ni Jehova ang kaniyang Anak, si Jesu-Kristo, para maging Hari ng Kaniyang Kaharian.Basahin ang Apocalipsis 11:15.

2. Bakit si Jesus ang nararapat na maging Hari?

Ang Anak ng Diyos ang nararapat na maging Hari dahil mabait siya at naninindigan sa kung ano ang tama. (Juan 1:14) Makapangyarihan siya at kayang-kaya niyang tulungan ang mga tao habang namamahala siya mula sa langit. Matapos buhaying muli, umakyat si Jesus sa langit at naupo sa kanan ni Jehova para maghintay. (Hebreo 10:12, 13) Nang maglaon, binigyan siya ng Diyos ng kapangyarihan para magsimula nang mamahala.Basahin ang Daniel 7:13, 14.

3. Sino ang mamamahalang kasama ni Jesus?

Isang grupo na tinatawag na “mga banal” ang makakasama ni Jesus sa langit para mamahala. (Daniel 7:27) Ang unang pinili bilang mga banal ay ang tapat na mga apostol ni Jesus. Hanggang ngayon, patuloy na pumipili si Jehova ng tapat na mga lalaki at babae sa lupa bilang mga banal. Gaya ni Jesus, sila ay magiging mga espiritung persona kapag binuhay-muli.Basahin ang Juan 14:1-3; 1 Corinto 15:42-44.

 Ilan ang pupunta sa langit? Tinawag sila ni Jesus na “munting kawan.” (Lucas 12:32) Ang bilang nila ay 144,000, at pamamahalaan nila ang lupa kasama ni Jesus.Basahin ang Apocalipsis 14:1.

4. Ano ang nangyari nang magsimulang mamahala si Jesus?

Nagsimulang mamahala ang Kaharian ng Diyos noong 1914. * Ang unang ginawa ni Jesus bilang Hari ay ang ihagis sa lupa si Satanas at ang mga demonyo nito. Galít na galít si Satanas; naghasik siya ng lagim sa buong lupa. (Apocalipsis 12:7-10, 12) Mula noon, tumindi nang tumindi ang problema ng tao. Ang digmaan, taggutom, epidemya, at mga lindol ay bahagi ng “tanda” na lubos nang mamamahala sa lupa ang Kaharian.Basahin ang Lucas 21:7, 10, 11, 31.

5. Ano ang naisasakatuparan ng Kaharian ng Diyos?

Sa pamamagitan ng pangangaral sa buong lupa, isang malaking pulutong mula sa lahat ng bansa ang pinagkakaisa ng Kaharian ng Diyos. Milyun-milyong maaamong tao ang nagiging sakop ni Jesus. Poprotektahan sila ng Kaharian ng Diyos kapag pinuksa nito ang masamang sistema ng mga bagay sa lupa. Kaya lahat ng gustong tumanggap ng pagpapala ng Kaharian ng Diyos ay dapat matutong maging masunurin kay Jesus.Basahin ang Apocalipsis 7:9, 14, 16, 17.

Sa loob ng 1,000 taon, isasakatuparan ng Kaharian ang orihinal na layunin ng Diyos para sa tao. Ang buong lupa ay magiging paraiso. Sa dakong huli, ibabalik ni Jesus sa kaniyang Ama ang Kaharian. (1 Corinto 15:24-26) Ikaw, kanino mo gustong sabihin ang tungkol sa Kaharian ng Diyos?Basahin ang Awit 37:10, 11, 29.

 

^ par. 6 Para sa detalye kung paano inihula ng Bibliya ang taóng 1914, tingnan ang pahina 215-218 ng aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

Higit Pang Impormasyon

Nabubuhay Na ba Tayo sa “mga Huling Araw”?

Isipin kung paanong ang mga ginagawa at ugali ng mga tao sa ngayon ay katibayan na nasa mga “mga huling araw” na tayo gaya ng inihula ng Bibliya.

Paano Nangangaral ang Mga Saksi ni Jehova?

Tinutularan namin ang paraan ng pangangaral ni Jesus noong nasa lupa siya. Ano ang ilan sa mga ito?