Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Puwede Pa Bang Mabuhay ang mga Patay?

Puwede Pa Bang Mabuhay ang mga Patay?

Ang sagot mo ba ay . . .

  • oo?

  • hindi?

  • siguro?

 ANG SABI NG BIBLIYA

“Magkakaroon ng pagkabuhay-muli.”​—Gawa 24:15, Bagong Sanlibutang Salin.

ANO ANG MAITUTULONG NITO SA IYO?

Hindi ka masyadong matatakot sa kamatayan.​—Hebreo 2:15.

Mas makakayanan mo ang pagkamatay ng mga mahal mo sa buhay.​—2 Corinto 1:3, 4.

Magkakaroon ka ng pag-asang makapiling silang muli.​—Juan 5:28, 29.

 MAPANINIWALAAN BA NATIN ANG SINASABI NG BIBLIYA?

Oo, sa tatlong dahilan:

  • Sa Diyos nagmula ang buhay. Sinasabi ng Bibliya na ang Diyos na Jehova ang “bukal ng buhay.” (Awit 36:9; Gawa 17:24, 25) Kung ang Diyos ang nagbigay ng buhay sa ating lahat, tiyak na kaya rin niyang ibalik ang buhay ng isang namatay.

  • Mayroon nang mga taong binuhay-muli ang Diyos. Sa Bibliya, may walong rekord ng mga taong binuhay-muli dito sa lupa—bata, matanda, lalaki, at babae. Ang ilan ay kamamatay lang nang buhaying muli, pero may isa na apat na araw nang nakalibing!—Juan 11:39-44.

  • Gustung-gusto ng Diyos na buhaying muli ang mga patay. Kinasusuklaman ni Jehova ang kamatayan; itinuturing niya itong kaaway. (1 Corinto 15:26) Sa pamamagitan ng pagkabuhay-muli, determinado siyang talunin ang kaaway na ito. Nasasabik siyang buhayin at makitang muli sa lupa ang mga taong nasa alaala niya.​—Job 14:14, 15.

 PAG-ISIPAN ITO

Bakit tayo tumatanda at namamatay?

Sinasagot iyan ng Bibliya sa GENESIS 3:17-19 at ROMA 5:12.

Higit Pang Impormasyon

MAGANDANG BALITA MULA SA DIYOS!

Ano ang Pag-asa ng mga Patay?

Ano ang nangyayari kapag namatay ang isang tao? Makikita pa ba nating muli ang mga namatay nating mahal sa buhay?