Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Pumili ng wika Tagalog

 ARAL 44

Isang Templo Para kay Jehova

Isang Templo Para kay Jehova

Nang maging hari ng Israel si Solomon, tinanong siya ni Jehova: ‘Ano ang gusto mong ibigay ko sa iyo?’ Sinabi ni Solomon: ‘Bata pa ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Bigyan n’yo po sana ako ng karunungan para pamahalaan ang inyong bayan.’ Sinabi ni Jehova: ‘Dahil hiniling mong maging marunong ka, gagawin kitang pinakamarunong sa buong lupa. Gagawin din kitang napakayaman. At kung magiging masunurin ka sa akin, hahaba ang buhay mo.’

Sinimulan ni Solomon ang pagtatayo ng templo. Gumamit siya ng pinakamagandang klase ng ginto, pilak, kahoy, at bato. Libo-libong mahuhusay na lalaki’t babae ang nagtrabaho sa templo. Matapos ang pitong taon, puwede nang ialay kay Jehova ang templo. Mayroon itong altar, at may mga handog doon. Lumuhod si Solomon sa harap ng altar at nanalangin: ‘O Jehova, hindi ganoon kalaki o kaganda ang templong ito na ginawa namin para sa iyo, pero sana po ay tanggapin ninyo ang aming pagsamba at pakinggan ang aming mga panalangin.’ Tinanggap kaya ni Jehova ang templo at ang panalangin ni Solomon? Pagkatapos manalangin ni Solomon, agad na may bumabang apoy mula sa langit at sinunog ang mga handog sa altar. Tinanggap ni Jehova ang templo. Nang makita ito ng mga Israelita, nagsaya sila.

Balitang-balita sa buong Israel at kahit sa malalayong lugar ang karunungan ni Solomon. Sa kaniya nagpapatulong ang mga tao kapag may problema sila. Pati nga ang reyna ng Sheba ay nagpunta sa kaniya para tingnan kung masasagot niya ang mahihirap na tanong. Nang marinig niya ang mga sagot ni Solomon, sinabi ng reyna: ‘Hindi ko pinaniwalaan ang sinasabi ng mga tao tungkol sa iyo, pero ngayon, nakita kong mas matalino ka kaysa sa nabalitaan ko. Pinagpala ka ng iyong Diyos na si Jehova.’ Maganda ang buhay ng mga tao sa bansang Israel at masaya sila. Pero magbabago ang mga bagay-bagay.

“Higit pa kay Solomon ang narito.”—Mateo 12:42