Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya

Introduksiyon sa Seksiyon 8

Introduksiyon sa Seksiyon 8

Binigyan ni Jehova si Solomon ng malalim na karunungan at sa kaniya iniatas ang pagtatayo ng templo, pero nang maglaon, iniwan niya si Jehova. Kung ikaw ay isang magulang, ipaliwanag sa iyong anak kung paanong si Solomon ay nailayo ng di-tunay na mga mananamba mula sa Diyos. Nahati ang kaharian, at dahil sa masasamang hari, ang bansa ay nag-apostata at sumamba sa mga diyos-diyusan. Nang panahong iyon, maraming tapat na propeta ni Jehova ang inusig at pinatay. Lalo pang lumayo sa tunay na pagsamba ang hilagang kaharian dahil kay Reyna Jezebel. Malagim na panahon iyon sa kasaysayan ng Israel. Pero marami pa ring tapat na mga mananamba si Jehova sa bansang Israel, kabilang na si Haring Jehosapat at propeta Elias.

SA SEKSIYONG ITO

ARAL 44

Isang Templo Para kay Jehova

Ibinigay ng Diyos ang hiniling ni Haring Solomon at binigyan din ito ng magagandang pribilehiyo.

ARAL 45

Nahati ang Kaharian

Maraming Israelita ang huminto sa pagsamba kay Jehova.

ARAL 46

Pagsubok na Naganap sa Bundok Carmel

Sino ang tunay na Diyos? Si Jehova o si Baal?

ARAL 47

Pinalakas ni Jehova si Elias

Mapalalakas ka rin kaya niya?

ARAL 48

Nabuhay-Muli ang Anak ng Isang Biyuda

Dalawang himala sa iisang bahay!

ARAL 49

Pinarusahan ang Isang Napakasamang Reyna

Gumawa ng paraan si Jezebel para patayin si Nabot at makuha ang ubasan nito! Nakita ni Jehova ang kasamaan niya.

ARAL 50

Ipinagtanggol ni Jehova si Jehosapat

Nanalangin sa Diyos ang mabuting haring si Jehosapat nang pagbantaan ng mga kaaway na bansa ang Juda.