Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya

 ARAL 27

Nagrebelde Sila kay Jehova

Nagrebelde Sila kay Jehova

Habang nasa ilang ang mga Israelita, sina Kora, Datan, Abiram, at ang 250 iba pa ay nagrebelde kay Moises. Sinabi nila: ‘Ayaw na namin sa inyo! Bakit ikaw ang dapat na maging lider namin at bakit si Aaron ang mataas na saserdote? Pare-pareho lang naman ang tingin sa atin ni Jehova.’ Hindi ’yon nagustuhan ni Jehova. Itinuring niyang pagrerebelde iyon sa kaniya!

Sinabi ni Moises kay Kora at sa mga kakampi nito: ‘Pumunta kayo sa tabernakulo bukas, at magdala kayo ng lalagyan ng baga na may insenso. Ipapakita ni Jehova sa atin kung sino ang pinili niya.’

Kinabukasan, si Kora at ang 250 lalaki ay pumunta sa tabernakulo para makipagkita kay Moises. Nagsunog sila doon ng insenso na para bang sila ay mga saserdote. Sinabi ni Jehova kina Moises at Aaron: ‘Humiwalay kayo kay Kora at sa mga kasama niya.’

Nang magpunta si Kora sa tabernakulo, hindi sumama sina Datan, Abiram, at ang pamilya nila. Sinabi ni Jehova sa mga Israelita na lumayo sa tolda nina Kora, Datan, at Abiram. Agad na lumayo ang mga Israelita. Nakatayo sina Datan, Abiram, at ang  pamilya nila sa labas ng kanilang tolda. Bigla na lang nabiyak ang lupa at kinain sila! Sa tabernakulo naman, may bumabang apoy galing sa langit at sinunog si Kora at ang 250 lalaking kasama niya.

’Tapos, sinabi ni Jehova kay Moises: ‘Kumuha ka ng tungkod mula sa lider ng bawat tribo, at isulat mo doon ang pangalan ng lider. Pero sa tungkod ng tribo ni Levi, isulat mo ang pangalan ni Aaron. Ipasok mo ang mga iyon sa tabernakulo, at ang tungkod ng lalaking pinili ko ay mamumulaklak.’

Kinabukasan, inilabas ni Moises ang lahat ng tungkod at ipinakita iyon sa mga lider. Namulaklak ang tungkod ni Aaron at nagkaroon ito ng hinog na prutas ng almendras. Sa ganitong paraan, ipinakita ni Jehova na talagang si Aaron ang pinili niyang maging mataas na saserdote.

“Maging masunurin kayo sa mga nangunguna sa inyo at maging mapagpasakop.”—Hebreo 13:17