Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya

Introduksiyon sa Seksiyon 2

Introduksiyon sa Seksiyon 2

Bakit nagpadala si Jehova ng baha na sumira noon sa mundo? Pagkatapos lalangin ang tao, nagkaroon ng labanan sa pagitan ng mabuti at masama. Ang ilan, gaya nina Adan, Eva, at anak nilang si Cain, ay kumampi sa masama. Ang iba naman, gaya nina Abel at Noe, ay kumampi sa mabuti. Sa sobrang samâ ng karamihan sa mga tao, pinuksa sila ni Jehova. Matututuhan natin sa seksiyong ito na alam ni Jehova kung kampi tayo sa masama o kampi tayo sa mabuti, at na hinding-hindi siya papayag na matalo ng masama ang mabuti.

SA SEKSIYONG ITO

ARAL 3

Hindi Sumunod sa Diyos Sina Adan at Eva

Bakit espesyal ang isang puno sa hardin ng Eden? Bakit kinain ni Eva ang bunga ng punong iyon?

ARAL 4

Pumatay Dahil sa Galit

Natuwa ang Diyos sa handog ni Abel pero hindi sa handog ni Cain. Dahil dito, nagalit si Cain at gumawa siya ng isang napakasamang bagay.

ARAL 5

Ang Arka ni Noe

May masasamang anghel na nag-asawa ng mga babae sa lupa at nagkaanak ng mga higante. Dumami ang masama. Pero iba si Noe—mahal niya ang Diyos at naging masunurin siya.

ARAL 6

Walo ang Nakaligtas sa Baha

Nangyari ang Baha nang 40 araw at 40 gabing umulan. Mahigit isang taon sa loob ng arka si Noe at ang pamilya niya. Pagkatapos, puwede na silang lumabas.