Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Sino ang Gumagawa ng Kalooban ni Jehova Ngayon?

 ARALIN 18

Paano Kami Tumutulong sa mga Kapatid Naming Nangangailangan?

Paano Kami Tumutulong sa mga Kapatid Naming Nangangailangan?

Dominican Republic

Japan

Haiti

Kapag may kalamidad, kaming mga Saksi ni Jehova ay agad na tumutulong sa mga kapatid namin na naapektuhan. Ipinakikita nito na talagang iniibig namin ang isa’t isa. (Juan 13:34, 35; 1 Juan 3:17, 18) Paano kami tumutulong?

Nag-aabuloy kami. Noong magkaroon ng malaking taggutom sa Judea, ang mga Kristiyano sa Antioquia ay nagpadala ng pinansiyal na tulong sa kanilang mga kapatid sa espirituwal. (Gawa 11:27-30) Sa ngayon, kapag nababalitaan naming mayroon kaming mga kapatid sa ibang lugar na apektado ng kalamidad, ang mga kongregasyon namin ay nagpapadala ng donasyon para makatulong sa kanila.2 Corinto 8:13-15.

Nagbibigay kami ng praktikal na tulong. Inaalam ng mga elder na nasa mga lugar na apektado ng kalamidad ang kalagayan ng bawat miyembro ng kanilang kongregasyon. May mga relief committee na nagsasaayos ng paglalaan ng pagkain, malinis na tubig, damit, tuluyan, at mga gamot. Maraming may-kasanayang Saksi ang nagboboluntaryo sa relief work o sa pagkukumpuni ng napinsalang mga bahay at Kingdom Hall. Dahil sa pagkakaisa namin at sa madalas na paggawa nang magkakasama, nakakakilos kami agad kapag may sakuna. Hindi lang ang “mga may kaugnayan sa [amin] sa pananampalataya” ang tinutulungan namin. Tumutulong din kami sa iba, anuman ang relihiyon nila.Galacia 6:10.

Naglalaan kami ng espirituwal at emosyonal na tulong. Ang mga biktima ng kalamidad ang lalo nang nangangailangan ng kaaliwan. Sa gayong mga pagkakataon, nakakakuha kami ng lakas kay Jehova, “ang Diyos ng buong kaaliwan.” (2 Corinto 1:3, 4) Ibinabahagi namin sa mga napipighati ang kaaliwan mula sa Bibliya, gaya ng pangakong malapit nang alisin ng Kaharian ng Diyos ang lahat ng trahedya na nagdudulot ng kirot at pagdurusa.Apocalipsis 21:4.

  • Bakit nakatutulong agad ang mga Saksi kapag may mga sakuna?

  • Anong kaaliwan mula sa Bibliya ang ibinabahagi namin sa mga biktima ng kalamidad?

Higit Pang Impormasyon

Japan—Pagbangon Makalipas ang Isang Taon!

Patuloy pa ring naglalaan ng tulong ang mga Saksi ni Jehova sa mga nakaligtas sa lindol at tsunami.

Video Clip: Pagtulong sa mga Biktima ng Bagyong Sandy—Pag-ibig na May Gawa

Panoorin kung paano tinulungan ng mga Saksi ni Jehova ang mga kapananampalataya nila at ibang biktima matapos manalasa ang isang bagyo.