Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Sino ang Gumagawa ng Kalooban ni Jehova Ngayon?

 ARALIN 19

Sino ang Tapat at Maingat na Alipin?

Sino ang Tapat at Maingat na Alipin?

Lahat tayo ay nakikinabang sa inilalaang espirituwal na pagkain

Bago mamatay si Jesus, nakausap niya nang sarilinan ang apat sa kaniyang mga alagad—sina Pedro, Santiago, Juan, at Andres. Habang sinasabi niya sa kanila ang tanda ng kaniyang pagkanaririto sa mga huling araw, nagharap siya ng mahalagang tanong: “Sino talaga ang tapat at maingat na alipin na inatasan ng kaniyang panginoon sa kaniyang mga lingkod ng sambahayan, upang magbigay sa kanila ng kanilang pagkain sa tamang panahon?” (Mateo 24:3, 45; Marcos 13:3, 4) Tiniyak ni Jesus sa kaniyang mga alagad na bilang kanilang “panginoon,” mag-aatas siya ng patuluyang maglalaan ng espirituwal na pagkain para sa kaniyang mga tagasunod sa panahon ng kawakasan. Sino kaya ang bumubuo sa aliping ito?

Isa itong maliit na grupo ng pinahirang mga tagasunod ni Jesus. Ang Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova ang gumaganap bilang “alipin.” Ito ay nagbibigay ng napapanahong espirituwal na pagkain sa mga kasama nilang sumasamba kay Jehova. Umaasa kami sa tapat na alipin na ito para sa aming “takdang pagkain sa tamang panahon.”Lucas 12:42.

Ito ang nangangasiwa sa sambahayan ng Diyos. (1 Timoteo 3:15) Ipinagkatiwala ni Jesus sa alipin ang mabigat na pananagutan na pangasiwaan ang gawain ng organisasyon ni Jehova dito sa lupa—pangangalaga sa materyal na mga pag-aari nito, pangunguna sa gawaing pangangaral, at pagtuturo sa amin sa pamamagitan ng aming mga kongregasyon. Ang “tapat at maingat na alipin” ay naglalaan ng angkop na espirituwal na pagkain sa tamang panahon sa pamamagitan ng mga publikasyong nagagamit namin sa ministeryo at ng mga programang inihaharap sa aming mga pulong at asamblea.

Tapat ang alipin dahil hindi ito lumilihis sa katotohanan sa Bibliya at sinusunod nito ang utos na ipangaral ang mabuting balita. Maingat ding pinangangasiwaan ng aliping ito ang lahat ng bagay sa lupa na ipinagkatiwala rito ni Kristo. (Gawa 10:42) Kaya naman pinagpapala ito ni Jehova—dumarami ang bilang ng mga naaakay sa katotohanan at sagana itong nakapaglalaan ng espirituwal na pagkain.Isaias 60:22; 65:13.

  • Sino ang inatasan ni Jesus para pakainin sa espirituwal ang kaniyang mga alagad?

  • Bakit masasabing tapat at maingat ang alipin?

Higit Pang Impormasyon

“Sino Talaga ang Tapat at Maingat na Alipin?”

Nililinaw sa artikulong ito ang pagkaunawa natin kung sino ang tapat at maingat na alipin. Pag-aralan kung paano nakadepende sa alipin ang ating espirituwalidad.