Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Sino ang Gumagawa ng Kalooban ni Jehova Ngayon?

 ARALIN 22

Ano ang Ginagawa sa mga Tanggapang Pansangay?

Ano ang Ginagawa sa mga Tanggapang Pansangay?

Solomon Islands

Canada

South Africa

Ang mga miyembro ng pamilyang Bethel ay naglilingkod sa iba’t ibang departamento, na nangangasiwa sa gawaing pangangaral sa isa o higit pang bansa. Ang ilan sa kanila ay mga tagapagsalin. Ang iba naman ay nasa palimbagan ng magasin o warehouse ng mga literatura, gumagawa ng audio at video, o nag-aasikaso ng iba pang bagay para sa isang rehiyon.

Isang Komite ng Sangay ang nangangasiwa sa gawain. Ipinagkatiwala ng Lupong Tagapamahala ang operasyon ng bawat tanggapang pansangay sa isang Komite ng Sangay, na binubuo ng tatlo o higit pang makaranasang mga elder. Ipinaaalam ng komite sa Lupong Tagapamahala ang pagsulong ng gawain at anumang problema sa bawat lupain na nasa ilalim ng kanilang sangay. Tumutulong ito sa Lupong Tagapamahala na magpasiya kung anong mga paksa ang dapat talakayin sa mga publikasyon, pulong, at mga asamblea. Ang Lupong Tagapamahala ay mayroon ding mga kinatawan na regular na dumadalaw sa mga sangay at nagbibigay ng payo at tagubilin sa mga Komite ng Sangay. (Kawikaan 11:14) Isang espesyal na programa, na may kasamang pahayag ng kinatawan ng punong-tanggapan, ang isinasaayos para patibayin ang mga nasa teritoryong sakop ng sangay.

Sinusuportahan ang lokal na mga kongregasyon. Sa tanggapang pansangay inaaprobahan ang pagbuo ng bagong mga kongregasyon at inaasikaso ang paghirang sa mga elder at ministeryal na lingkod. Pinangangasiwaan din dito ang gawain ng mga payunir, misyonero, at mga tagapangasiwa ng sirkito sa mga teritoryong sakop ng sangay. Nag-oorganisa ang sangay ng mga asamblea at kombensiyon, nagsasaayos ng pagtatayo ng mga bagong Kingdom Hall, at tinitiyak nito na naipadadala sa mga kongregasyon ang mga suplay ng literatura. Ang lahat ng ginagawa sa sangay ay tumutulong para maging maayos at matagumpay ang gawaing pangangaral.1 Corinto 14:33, 40.

  • Paano tumutulong sa Lupong Tagapamahala ang mga Komite ng Sangay?

  • Ano ang isinasagawa sa mga tanggapang pansangay?