Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Sino ang Gumagawa ng Kalooban ni Jehova Ngayon?

 ARALIN 17

Paano Kami Tinutulungan ng mga Tagapangasiwa ng Sirkito?

Paano Kami Tinutulungan ng mga Tagapangasiwa ng Sirkito?

Malawi

Grupo sa paglilingkod

Ministeryo sa larangan

Pulong ng mga elder

Madalas banggitin sa Kristiyanong Griegong Kasulatan sina Bernabe at apostol Pablo. Bilang mga naglalakbay na tagapangasiwa, dumadalaw sila noon sa mga kongregasyon. Bakit? Iniisip nila ang kapakanan ng kanilang mga kapatid sa espirituwal. Sinabi ni Pablo na gusto niyang ‘bumalik at dalawin ang mga kapatid’ para kumustahin sila. Handa siyang maglakbay nang daan-daang kilometro para patibayin sila. (Gawa 15:36) Ganiyan din ang mga naglalakbay na tagapangasiwa sa ngayon.

Pinatitibay nila kami. Ang mga tagapangasiwa ng sirkito ay dalawang beses na dumadalaw sa mga 20 kongregasyon taun-taon. Gumugugol sila ng isang linggo sa bawat pagdalaw. Nakikinabang kami nang husto sa karanasan ng mga kapatid na ito at ng kanilang asawa, kung mayroon. Sinisikap nilang kilalanin ang lahat, bata’t matanda, at sabik silang sumama sa aming pangangaral at pagtuturo ng Bibliya. Nagpapastol din sila kasama ng mga elder. Pinalalakas nila kami sa pamamagitan ng nakapagpapatibay na mga pahayag sa mga pulong at asamblea.Gawa 15:35.

Nagpapakita sila ng interes sa lahat. Interesadung-interesado ang mga tagapangasiwa ng sirkito sa espirituwalidad ng mga kongregasyon. Nakikipagpulong sila sa mga elder at ministeryal na lingkod para tingnan ang pagsulong ng kongregasyon at magbigay ng praktikal na payo hinggil sa atas ng mga ito. Tinutulungan nila ang mga payunir na maging matagumpay sa ministeryo, at natutuwa silang makilala ang mga baguhan at marinig ang pagsulong ng mga ito. Ibinibigay nila ang kanilang sarili bilang mga “kamanggagawa para sa [ating] mga kapakanan.” (2 Corinto 8:23) Dapat nating tularan ang kanilang pananampalataya at debosyon sa Diyos.Hebreo 13:7.

  • Bakit dumadalaw sa mga kongregasyon ang mga tagapangasiwa ng sirkito?

  • Paano ka makikinabang sa kanilang pagdalaw?

Higit Pang Impormasyon

Bakit Nagdaraos ng Malalaking Asamblea ang Mga Saksi ni Jehova?

Taun-taon, nagtitipon kami para sa tatlong pantanging okasyon. Paano ka makikinabang sa mga pagtitipong ito?

Paano Nangangaral ang Mga Saksi ni Jehova?

Tinutularan namin ang paraan ng pangangaral ni Jesus noong nasa lupa siya. Ano ang ilan sa mga ito?