Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Sino ang Gumagawa ng Kalooban ni Jehova Ngayon?

 ARALIN 1

Anong Uri ng mga Tao ang mga Saksi ni Jehova?

Anong Uri ng mga Tao ang mga Saksi ni Jehova?

Denmark

Taiwan

Venezuela

India

Ilan ang kakilala mong mga Saksi ni Jehova? Ang ilan sa amin ay baka mga kapitbahay mo, katrabaho, o kaklase. O baka minsan ka na naming nakausap tungkol sa Bibliya. Sino ba talaga kami, at bakit namin ibinabahagi sa iba ang aming mga paniniwala?

Mga pangkaraniwang tao kami. Iba’t iba ang aming pinagmulan at katayuan sa buhay. Ang ilan sa amin ay may ibang relihiyon noon, at ang iba naman ay hindi naniniwala sa Diyos. Pero bago kami naging mga Saksi, maingat naming sinuri ang itinuturo ng Bibliya. (Gawa 17:11) Nakumbinsi kami sa aming mga natutuhan at personal naming ipinasiya na sambahin ang Diyos na Jehova.

Nakikinabang kami sa pag-aaral ng Bibliya. Marami rin kaming mga problema at kahinaan. Pero dahil sa pagsisikap naming sundin ang mga simulain sa Bibliya, malaki ang naging pagbabago sa aming buhay. (Awit 128:1, 2) Iyan ang isang dahilan kung bakit namin ibinabahagi sa iba ang mabubuting bagay na natutuhan namin sa Bibliya.

Namumuhay kami ayon sa mga pamantayan ng Diyos. Ang mga pamantayang ito na makikita sa Bibliya ay tumutulong sa bawat isa na magkaroon ng makabuluhang buhay at maging magalang, matapat, at mabait. Tumutulong din ito para maging mahusay at responsable ang mga tao, magkaisa ang mga pamilya, at maitaguyod ang mataas na moralidad. Dahil alam naming “ang Diyos ay hindi nagtatangi,” para kaming isang napakalaking pamilya na walang bahid ng pulitika at diskriminasyon. Bagaman binubuo kami ng mga pangkaraniwang tao, kami ay isang natatanging bayan na pinagkakaisa ng aming mga paniniwala.Gawa 4:13; 10:34, 35.

  • Ano ang pagkakatulad ng mga Saksi ni Jehova sa ibang mga tao?

  • Anong mga pamantayan ang natutuhan ng mga Saksi mula sa pag-aaral ng Bibliya?

Higit Pang Impormasyon

Pamumuhay sa Paraang Nakalulugod sa Diyos

Puwede kang mamuhay nang nakalulugod kay Jehova. Puwede ka pa ngang maging kaibigan niya.

Ang Pagsambang Sinasang-ayunan ng Diyos

Alamin ang anim na pagkakakilanlan ng tunay na relihiyon.