Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Sino ang Gumagawa ng Kalooban ni Jehova Ngayon?

 ARALIN 7

Paano Ginaganap ang Aming mga Pulong?

Paano Ginaganap ang Aming mga Pulong?

New Zealand

Japan

Uganda

Lithuania

Ang mga Kristiyano noon ay umaawit, nananalangin, at nagbabasa’t tumatalakay ng Kasulatan sa kanilang mga pulong. Wala silang anumang ritwal. (1 Corinto 14:26) Ganiyang-ganiyan din sa aming mga pulong.

Ang itinuturo ay batay sa Bibliya at praktikal. Tuwing Sabado o Linggo, bawat kongregasyon ay nagpupulong para makinig ng 30-minutong pahayag na salig sa Bibliya. Tinatalakay rito ang kaugnayan ng Kasulatan sa ating buhay at sa mga kaganapan sa ngayon. Lahat kami ay pinasisiglang sumubaybay sa sarili naming Bibliya. Kasunod nito ang isang-oras na Pag-aaral sa “Bantayan,” kung saan malayang nakikibahagi ang mga miyembro ng kongregasyon sa pagtalakay ng isang artikulo sa edisyon para sa pag-aaral ng Bantayan. Natututuhan namin dito kung paano susundin ang payo ng Bibliya sa aming buhay. Pinag-aaralan ito sa mahigit 110,000 kongregasyon sa buong daigdig.

Sinasanay kami na maging bihasang mga guro. May ginaganap din kaming isa pang pulong bawat linggo. Nahahati ito sa tatlong bahagi at tinatawag na Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano. Nakabatay ito sa materyal na nasa buwanang Workbook sa Buhay at Ministeryo. Ang unang bahagi ng pulong, Kayamanan Mula sa Salita ng Diyos, ay tumutulong sa amin na maging pamilyar sa isang bahagi ng Bibliya na patiuna nang binasa ng kongregasyon. Ang ikalawa, Maging Mahusay sa Ministeryo, ay may mga pagtatanghal kung paano tatalakayin ang Bibliya sa iba. Isang tagapayo ang tutulong sa amin na mapasulong ang aming kakayahan sa pagbabasa at pagsasalita. (1 Timoteo 4:13) Ang huling bahagi, Pamumuhay Bilang Kristiyano, ay tumatalakay kung paano praktikal na ikakapit ang mga prinsipyo ng Bibliya sa araw-araw. Mayroon din itong tanong-sagot na talakayan na nagpapalalim ng aming unawa sa Bibliya.

Kapag dumalo ka sa aming mga pulong, tiyak na hahangaan mo ang kalidad ng edukasyon sa Bibliya na matatanggap mo.Isaias 54:13.

  • Ano ang maaasahan mong marinig sa mga pulong ng Mga Saksi ni Jehova?

  • Anong pulong namin ang gusto mong daluhan?

Higit Pang Impormasyon

Ano’ng Mayroon sa Kingdom Hall?

Panoorin ang video para makita mo kung ano’ng mayroon sa Kingdom Hall.

Paano Inoorganisa ang mga Kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova?

Alamin kung paano kami tumatanggap ng patnubay at tagubilin sa pamamagitan ng aming mga kongregasyon.