Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Sino ang Gumagawa ng Kalooban ni Jehova Ngayon?

 ARALIN 14

Anong mga Paaralan ang Nagsasanay sa mga Payunir?

Anong mga Paaralan ang Nagsasanay sa mga Payunir?

Estados Unidos

Paaralang Gilead, Patterson, New York

Panama

Kilala ang Mga Saksi ni Jehova sa pagtuturo ng Bibliya. May mga paaralan kami na nagsasanay sa mga buong-panahong mángangarál ng Kaharian para ‘lubusan nilang maganap ang kanilang ministeryo.’2 Timoteo 4:5.

Pioneer Service School. Kapag isang taon nang regular pioneer ang isang Saksi, puwede siyang i-enrol sa anim-na-araw na kursong ginaganap sa mga Kingdom Hall. Layunin ng kursong ito na tulungan ang isang payunir na mas mapalapít kay Jehova, maging mas epektibo sa lahat ng aspekto ng ministeryo, at makapagpatuloy sa tapat na paglilingkod.

School for Kingdom Evangelizers. Ang dalawang-buwang kursong ito ay para sa pagsasanay ng makaranasang mga payunir na handang lumipat saanmang lugar sila kailangan. Parang sinasabi nila, “Narito ako! Isugo mo ako!” bilang pagtulad sa pinakadakilang Ebanghelisador na naglingkod sa lupa, si Jesu-Kristo. (Isaias 6:8; Juan 7:29) Baka kailangan nilang masanay sa mas simpleng buhay sa malayong lugar. Maaaring ibang-iba ang kultura, klima, at pagkain doon. Baka kailangan pa nga nilang mag-aral ng ibang wika. Tumutulong ang paaralang ito sa mga binata’t dalaga, pati sa mga mag-asawa, edad 23 hanggang 65, para malinang ang makadiyos na mga katangiang kailangan nila sa kanilang atas at magkaroon ng mga kasanayang tutulong para mas magamit sila ni Jehova at ng kaniyang organisasyon.

Watchtower Bible School of Gilead. Sa Hebreo, ang terminong “Gilead” ay may kaugnayan sa salitang “Saksi.” Mula nang itatag ang Gilead noong 1943, mahigit 8,000 nakapagtapos sa paaralang ito ang ipinadala bilang mga misyonero para sumaksi, o magpatotoo, “hanggang sa dulo ng lupa.” (Gawa 13:47) At talaga namang napakainam ng naging bunga! Nang unang dumating sa Peru ang mga nagtapos sa Gilead, wala pang kongregasyon doon. Pero ngayon, mayroon nang mahigit 1,000. Nang magsimulang maglingkod ang aming mga misyonero sa Japan, wala pang sampu ang mga Saksi roon. Pero ngayon, mayroon nang mahigit 200,000. Sa limang-buwang kurso ng Gilead, malalim ang ginagawang pag-aaral sa Salita ng Diyos. Ang mga special pioneer o field missionary, mga naglilingkod sa tanggapang pansangay, o mga tagapangasiwa ng sirkito ay inaanyayahan sa paaralang ito para bigyan ng puspusang pagsasanay at sa gayo’y makatulong sila nang malaki sa pambuong-daigdig na gawain.

  • Ano ang layunin ng Pioneer Service School?

  • Sino ang puwedeng mag-aral sa School for Kingdom Evangelizers?

Higit Pang Impormasyon

Mga Saksi ni Jehova—Organisado sa Paghahayag ng Mabuting Balita

Ang mga Saksi ni Jehova ay kilala sa kanilang pambuong-daigdig na gawaing pagtuturo ng Bibliya. Paano ba inoorganisa, pinangangasiwaan, at pinopondohan ang kanilang gawain?

Sinasanay ang mga Ministro ng Kaharian

Paano inihahanda ng mga teokratikong paaralan ang mga ministro ng Kaharian para magampanan ang kanilang atas?