Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Sino ang Gumagawa ng Kalooban ni Jehova Ngayon?

 ARALIN 6

Bakit Kami Nakikipagsamahan sa Aming mga Kapananampalataya?

Bakit Kami Nakikipagsamahan sa Aming mga Kapananampalataya?

Madagascar

Norway

Lebanon

Italy

Kahit kailangan naming maglakbay sa masukal na kagubatan o sumuong sa masamang panahon, regular kaming dumadalo sa mga pulong. Sa kabila ng pagod at iba pang problema, bakit sinisikap ng mga Saksi ni Jehova na makipagsamahan sa kanilang kapuwa Kristiyano?

Nakatutulong ito upang maging mas mabuting tao kami. Sumulat si apostol Pablo sa mga miyembro ng kongregasyon: “Isaalang-alang natin ang isa’t isa.” (Hebreo 10:24) Sa mga pananalitang ito, pinasisigla tayo ng apostol na magmalasakit sa iba at kilalanin ang isa’t isa. Habang sinisikap naming kilalanin ang ibang miyembro ng kongregasyon, nakikita naming may mga problema rin silang gaya ng sa amin. Pero matagumpay nilang nahaharap ang mga ito. Kaya natutulungan nila kaming magtagumpay rin.

Nakakabuo kami ng matibay na pagkakaibigan. Sa mga pulong, malalapít na kaibigan ang turing namin sa isa’t isa, hindi lamang basta kakilala. Kung minsan, naglilibang din kaming magkakasama. Ano ang mabuting epekto ng gayong pakikipagsamahan? Lalo naming napahahalagahan ang isa’t isa at lumalalim ang pag-ibig na nagbubuklod sa amin. At dahil sa aming pagkakaibigan, hindi kami nag-aatubiling tulungan ang isa’t isa kapag may problema. (Kawikaan 17:17) Habang nakakasama namin ang mga miyembro ng aming kongregasyon, naipakikita namin ang “pagmamalasakit sa isa’t isa.”1 Corinto 12:25, 26.

Pinasisigla ka naming humanap ng mga kaibigang gumagawa ng kalooban ng Diyos, gaya ng mga Saksi ni Jehova. Huwag mo sanang hayaan na may makahadlang sa pakikipagkaibigan mo sa amin.

  • Ano ang mabuting epekto ng pakikipagsamahan sa mga pagpupulong?

  • Kailan mo gustong dumalo sa isa naming pagpupulong at makilala ang mga Saksi?

Higit Pang Impormasyon

PULONG

Paano Ginaganap ang Pulong ng mga Saksi ni Jehova?

Alamin kung paano kami sumasamba.