Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Sino ang Gumagawa ng Kalooban ni Jehova Ngayon?

 ARALIN 3

Paano Muling Lumiwanag ang Katotohanan sa Bibliya?

Paano Muling Lumiwanag ang Katotohanan sa Bibliya?

Mga Estudyante ng Bibliya, dekada ng 1870

Unang isyu ng The Watchtower, 1879

The Watchtower (Ang Bantayan) ngayon

Inihula sa Bibliya na pagkamatay ni Kristo, may mga Kristiyanong magiging huwad na mga guro at pipilipit sa katotohanan sa Bibliya. (Gawa 20:29, 30) Ganiyan nga ang nangyari. Pinaghalo nila ang mga turo ni Jesus at ang mga paganong relihiyosong ideya, kaya nabuo ang huwad na Kristiyanismo. (2 Timoteo 4:3, 4) Paano kami nakatitiyak na nauunawaan namin kung ano talaga ang itinuturo ng Bibliya?

Dumating na ang panahon para isiwalat ni Jehova ang katotohanan. Inihula niya na ‘sa panahon ng kawakasan, ang tunay na kaalaman ay sasagana.’ (Daniel 12:4) Noong 1870, napansin ng isang maliit na grupo ng mga taong naghahanap ng katotohanan na maraming turo ang simbahan na wala sa Bibliya. Kaya sinaliksik nila ang orihinal na mga turo ng Bibliya, at tinulungan naman sila ni Jehova na maunawaan ang mga ito.

Maingat na pinag-aralan ng taimtim na mga lalaki ang Bibliya. Sinimulan ng masisigasig na Estudyante ng Bibliya, ang tawag noon sa Mga Saksi ni Jehova, ang pamamaraan ng pag-aaral na ginagamit namin hanggang sa ngayon. Pinag-aaralan nila ang Bibliya batay sa isang paksa. Kapag may isang teksto na hindi nila maunawaan, tinitingnan nila ang ibang bahagi ng Bibliya na nagpapaliwanag dito. Kapag nakabuo na sila ng konklusyon na kaayon ng bawat bahagi ng Bibliya, isinusulat nila ito. Dahil hinahayaan nilang ang Bibliya ang magpaliwanag sa sarili nito, muli nilang nabigyang-liwanag ang katotohanan tungkol sa pangalan ng Diyos, sa kaniyang Kaharian, sa kaniyang layunin para sa mga tao at sa lupa, sa kalagayan ng mga patay, at sa pag-asang pagkabuhay-muli. Kaya napalaya sila mula sa maraming huwad na turo at kaugalian.Juan 8:31, 32.

Noong 1879, naunawaan ng mga Estudyante ng Bibliya na dumating na ang panahon para ipaalam sa lahat ang katotohanan. Kaya nang taon ding iyon, sinimulan nilang ilabas ang magasing Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova, na patuloy pa rin naming inilalathala. Sa ngayon, ibinabahagi namin ang katotohanan sa 240 na lupain at sa mahigit 750 wika. Talaga ngang lubhang sumasagana ang tunay na kaalaman!

  • Ano ang nangyari sa katotohanan sa Bibliya pagkamatay ni Kristo?

  • Paano muling lumiwanag ang katotohanan mula sa Salita ng Diyos?