Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Sino ang Gumagawa ng Kalooban ni Jehova Ngayon?

 ARALIN 26

Paano Namin Minamantini ang Aming Kingdom Hall?

Paano Namin Minamantini ang Aming Kingdom Hall?

Estonia

Zimbabwe

Mongolia

Puerto Rico

Makikita sa bawat Kingdom Hall ng Mga Saksi ni Jehova ang banal na pangalan ng Diyos. Kaya para sa amin, ang pagpapanatili nitong malinis, presentable, at maayos ay isang pribilehiyo at mahalagang bahagi ng aming sagradong pagsamba. Ang lahat ay puwedeng makibahagi.

Nagboboluntaryong maglinis pagkatapos ng pulong. Pagkatapos ng bawat pulong, ang mga kapatid ay naglilinis sa Kingdom Hall. Pero isang beses sa isang linggo, mas puspusan ang ginagawang paglilinis. Isang elder o ministeryal na lingkod ang nangangasiwa sa paglilinis. Karaniwan nang may sinusundan siyang checklist sa paggawa nito. Ang ilang boluntaryo ay nagwawalis, naglalampaso, nagpupunas ng alikabok, nag-aayos ng upuan, o nagtatapon ng basura. Ang iba naman ay naglilinis ng palikuran, mga bintana at salamin, o bakuran o labas ng Kingdom Hall. May iniiskedyul ding general cleaning bawat taon. Isinasama namin sa paglilinis ang aming mga anak. Sa gayon, natuturuan namin silang igalang ang aming dako ng pagsamba.Eclesiastes 5:1.

Tumutulong sa kinakailangang pagkukumpuni. Taun-taong iniinspeksiyon ang loob at labas ng Kingdom Hall. Regular itong ginagawa para makita ang kailangang ayusin at maagapan ang mga sira, sa gayo’y naiiwasan ang di-kinakailangang gastusin. (2 Cronica 24:13; 34:10) Dapat lamang na maging malinis at mamantini ang Kingdom Hall yamang ginagamit ito sa pagsamba sa aming Diyos. Kapag nakikibahagi kami sa gawaing ito, ipinakikita naming malapít sa puso namin si Jehova at ang aming dako ng pagsamba. (Awit 122:1) Nagdudulot din ito ng magandang impresyon sa komunidad.2 Corinto 6:3.

  • Bakit hindi namin dapat pabayaan ang aming dako ng pagsamba?

  • Paano namin pinananatiling malinis ang Kingdom Hall?

Higit Pang Impormasyon

Paano Ginaganap ang Pulong ng mga Saksi ni Jehova?

Alamin kung paano kami sumasamba.