Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Sino ang Gumagawa ng Kalooban ni Jehova Ngayon?

 ARALIN 13

Ano ang Isang Payunir?

Ano ang Isang Payunir?

Canada

Pagbabahay-bahay

Pag-aaral sa Bibliya

Personal na pag-aaral

Ang terminong “payunir” ay karaniwan nang tumutukoy sa isa na tumutuklas ng bagong teritoryo at nagbubukas ng daan para sa iba. Masasabi nating isang payunir si Jesus, dahil isinugo siya rito sa lupa upang simulan ang isang nagliligtas-buhay na ministeryo, at buksan ang daan tungo sa kaligtasan. (Mateo 20:28) Gaya ni Jesus, ibinubuhos din ng kaniyang mga tagasunod sa ngayon ang kanilang oras para “gumawa ng mga alagad.” (Mateo 28:19, 20) Ang iba ay nagpasiyang maglingkod bilang payunir.

Ang payunir ay isang buong-panahong mángangarál. Ang lahat ng Saksi ni Jehova ay mamamahayag ng mabuting balita. Pero isinaayos ng ibang mga Saksi na maglingkod bilang regular pioneer. Gumugugol sila ng 70 oras buwan-buwan sa pangangaral. Para magawa ito, marami sa kanila ang nagtrabaho na lang nang part-time. Ang iba naman ay pinili bilang mga special pioneer. Ipinadadala sila sa mga lugar na may malaking pangangailangan para sa mga mángangarál ng Kaharian, at gumugugol sila ng 130 oras o higit pa buwan-buwan sa pangangaral. Simple ang pamumuhay ng mga payunir at nagtitiwala silang ilalaan ni Jehova ang kanilang pangunahing pangangailangan. (Mateo 6:31-33; 1 Timoteo 6:6-8) Ang mga hindi makapagpayunir nang buong panahon ay puwede namang maglingkod bilang auxiliary pioneer kung makapangangaral sila nang 30 o 50 oras sa isang buwan.

Ang isang payunir ay naglilingkod dahil sa pag-ibig sa Diyos at sa mga tao. Gaya ni Jesus, nakikita rin namin sa ngayon ang kaawa-awang kalagayan ng mga tao sa espirituwal. (Marcos 6:34) Pero taglay namin ang kaalaman na makatutulong sa kanila sa ngayon at makapagbibigay ng pag-asa sa hinaharap. Ang pag-ibig sa kapuwa ang nag-uudyok sa isang payunir na isakripisyo ang kaniyang lakas at panahon para maibahagi sa iba ang mabuting balita. (Mateo 22:39; 1 Tesalonica 2:8) Sa paggawa nito, tumitibay ang kaniyang pananampalataya, napapalapít siya sa Diyos, at lalo siyang lumiligaya.Gawa 20:35.

  • Paano mo ilalarawan ang isang payunir?

  • Bakit nagpapayunir nang buong panahon ang ilan?

Higit Pang Impormasyon

Pinatitibay ng Pagpapayunir ang Kaugnayan Natin sa Diyos

Alamin ang walong paraan kung paano pinatitibay ng pagpapayunir ang kaugnayan mo kay Jehova. Ano ang makakatulong sa iyo para makapagpatuloy sa kasiya-siyang larangang ito ng paglilingkod?