Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Sino ang Gumagawa ng Kalooban ni Jehova Ngayon?

 ARALIN 15

Paano Naglilingkod sa Kongregasyon ang mga Elder?

Paano Naglilingkod sa Kongregasyon ang mga Elder?

Finland

Nagtuturo

Nagpapastol

Nangangaral

Wala kaming suwelduhang mga klero. Sa halip, gaya noong pasimula ng kongregasyong Kristiyano, may kuwalipikadong mga tagapangasiwa na inaatasan “upang magpastol sa kongregasyon ng Diyos.” (Gawa 20:28) Ang mga elder na ito ay may-gulang na mga lalaking nangunguna sa kongregasyon at nagpapastol nang “hindi napipilitan, kundi maluwag sa kalooban; ni hindi dahil sa pag-ibig sa di-tapat na pakinabang, kundi may pananabik.” (1 Pedro 5:1-3) Ano ang mga isinasagawa nila para sa amin?

Pinangangalagaan nila kami at pinoproteksiyunan. Ipinagkatiwala ng Diyos sa mga elder ang buong kongregasyon, kaya ginagabayan nila ito, pinoproteksiyunan sa espirituwal, at inaasikasong mabuti para mapanatili ang kagalakan ng mga miyembro nito. (2 Corinto 1:24) Kung paanong pinangangalagaan nang husto ng isang pastol ang bawat tupa niya, sinisikap din ng mga elder na kilalanin ang bawat miyembro ng kongregasyon.Kawikaan 27:23.

Tinuturuan nila kami na gawin ang kalooban ng Diyos. Linggu-linggo, pinangangasiwaan ng mga elder ang mga pulong sa kongregasyon para patibayin ang aming pananampalataya. (Gawa 15:32) Ang masisipag na lalaking ito ay nangunguna sa amin sa pangangaral. Sinasamahan nila kami at sinasanay sa lahat ng anyo ng ministeryo.

Pinalalakas nila ang bawat isa sa amin. Dinadalaw kami ng mga elder sa aming tahanan o kinakausap sa Kingdom Hall gamit ang Bibliya para aliwin kami at tulungang maging mas malapít kay Jehova.Santiago 5:14, 15.

Bukod sa mga atas sa kongregasyon, karamihan sa mga elder ay mayroon ding trabaho at pamilya na kailangang bigyan ng panahon at atensiyon. Kaya nararapat lamang na igalang ang masisipag na kapatid na ito.1 Tesalonica 5:12, 13.

  • Ano ang pananagutan ng mga elder sa kongregasyon?

  • Paano ipinakikita ng mga elder na nagmamalasakit sila sa bawat isa sa amin?

Higit Pang Impormasyon

Paano Inoorganisa ang mga Kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova?

Alamin kung paano kami tumatanggap ng patnubay at tagubilin sa pamamagitan ng aming mga kongregasyon.

Ang Bautismo at ang Iyong Kaugnayan sa Diyos

Ano ang mga hakbang para makapagpabautismo? Alamin kung ano ang ibig sabihin ng bautismo at kung paano ito dapat gawin.