Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Sino ang Gumagawa ng Kalooban ni Jehova Ngayon?

 ARALIN 11

Bakit Kami Nagdaraos ng Malalaking Asamblea?

Bakit Kami Nagdaraos ng Malalaking Asamblea?

Mexico

Germany

Botswana

Nicaragua

Italy

Bakit napakasaya ng mga tao sa larawan? Kasi nasa isang asamblea sila ng Mga Saksi ni Jehova. Tinagubilinan ng Diyos ang mga lingkod niya noon na magtipun-tipon tatlong beses sa isang taon. (Deuteronomio 16:16) Gaya nila, pinananabikan namin ang ganito kalaking mga pagtitipon. Taun-taon, nagdaraos din kami ng tatlong malaking pagpupulong: dalawang pansirkitong asamblea na tig-isang araw at isang panrehiyong kombensiyon na ginaganap nang tatlong araw. Bakit kapaki-pakinabang ang mga pagtitipong ito?

Pinatitibay ng mga ito ang aming kapatirang Kristiyano. Gaya ng mga Israelita na masayang pumupuri kay Jehova sa “gitna ng mga nagkakatipong karamihan,” nasisiyahan din kaming sambahin ang Diyos sa malalaking pagtitipon. (Awit 26:12; 111:1) Dito, nagkakaroon kami ng pagkakataon na makilala ang mga Saksi mula sa ibang kongregasyon o lupain. Sa tanghali, sama-sama kaming kumakain sa lugar ng asamblea kaya nagiging mas masaya ang ganitong mga pagtitipon. (Gawa 2:42) Damang-dama namin dito ang pag-ibig na nagbubuklod sa aming “buong samahan ng mga kapatid” sa buong mundo.1 Pedro 2:17.

Tinutulungan kami ng mga ito na sumulong sa espirituwal. Dahil ipinaliwanag sa mga Israelita ang Kasulatan, ‘naunawaan nila ang salita’ ng Diyos. (Nehemias 8:8, 12) Sa ngayon, nagpapasalamat din kami sa paliwanag sa Bibliya na natatanggap namin sa mga asamblea. Bawat programa ay nakabatay sa Kasulatan. Sa tulong ng mga pahayag, simposyum, at pagsasadula, nalalaman namin ang kalooban ng Diyos. Napatitibay kami sa mga karanasan ng mga Kristiyanong nakapanatiling tapat sa kabila ng matitinding pagsubok. Sa mga panrehiyong kombensiyon, nagtatanghal ng mga drama na nagbibigay-buhay sa mga ulat ng Bibliya at nagtuturo sa amin ng praktikal na mga aral. Sa bawat asamblea, binabautismuhan ang mga taong nag-alay na ng kanilang buhay sa Diyos.

  • Bakit masayang okasyon ang mga asamblea?

  • Bakit kapaki-pakinabang ang pagdalo sa isang asamblea?

Higit Pang Impormasyon

KOMBENSIYON

Video Clip: Taunang Kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova

Alamin kung bakit milyon-milyon sa buong daigdig ang dumadalo sa espesyal na okasyong ito.