Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Sino ang Gumagawa ng Kalooban ni Jehova Ngayon?

 ARALIN 27

Ano ang Maitutulong sa Atin ng Aklatan ng Kingdom Hall?

Ano ang Maitutulong sa Atin ng Aklatan ng Kingdom Hall?

Israel

Czech Republic

Benin

Cayman Islands

Gusto mo bang magsaliksik para lumalim ang kaalaman mo sa Bibliya? May tanong ka ba tungkol sa isang teksto, tao, lugar, o bagay na binabanggit sa Bibliya? May problema ka ba na gusto mong hanapan ng sagot sa Salita ng Diyos? Malamang na makatulong sa iyo ang aklatan ng Kingdom Hall.

Mayroon ditong mga pantulong sa pagsasaliksik. Baka hindi ka kumpleto ng salig-Bibliyang mga publikasyon ng Mga Saksi ni Jehova na makukuha sa iyong wika. Karamihan ng kamakailang mga publikasyon ay nasa aklatan ng Kingdom Hall. Baka mayroon din ditong iba’t ibang salin ng Bibliya, diksyunaryo, at iba pang reperensiya. Bago at pagkatapos ng pulong, maaari kang pumunta sa aklatan. Kung may computer doon, baka may Watchtower Library iyon. Isa itong program sa computer na naglalaman ng malaking koleksiyon ng aming mga publikasyon. Mayroon din itong search feature, kung saan puwede kang maghanap ng reperensiya hinggil sa isang paksa, salita, o teksto.

Malaking tulong ito sa mga estudyante ng Pulong Para sa Buhay at Ministeryo. Baka makatulong sa iyo ang aklatan ng Kingdom Hall kapag naghahanda ng iyong bahagi. Ang tagapangasiwa ng Pulong Para sa Buhay at Ministeryo ang nangangasiwa sa aklatan. Tinitiyak niya na kumpleto sa pinakabagong mga publikasyon ang aklatan at na nakaayos ang mga ito. Puwede ka niyang tulungan, o ng nagtuturo sa iyo ng Bibliya, na magsaliksik. Pero hindi dapat maglabas ng aklat mula sa Kingdom Hall. At siyempre, gusto nating maging maingat sa mga aklat at huwag markahan ang mga ito.

Ayon sa Bibliya, para ‘masumpungan natin ang mismong kaalaman sa Diyos,’ dapat na handa natin itong saliksikin “gaya ng nakatagong kayamanan.” (Kawikaan 2:1-5) Makatutulong sa iyo ang aklatan ng Kingdom Hall sa pagsasaliksik na iyan.

  • Anong mga pantulong sa pagsasaliksik ang makikita mo sa aklatan ng Kingdom Hall?

  • Sino ang makatutulong sa iyo sa paggamit ng aklatan?