Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Namamahala Na ang Kaharian ng Diyos!

Kaliwa: Isang sister na colporteur na nangangaral sa Korea, 1931; kanan: Pangangaral sa Korea ngayon gamit ang sign language

 SEKSIYON 2

Pangangaral ng Kaharian—Pagpapalaganap ng Mabuting Balita sa Buong Daigdig

Pangangaral ng Kaharian—Pagpapalaganap ng Mabuting Balita sa Buong Daigdig

 ISANG umaga, naghahanda ka para sa ministeryo kasi wala kang pasok sa trabaho. Pero bigla kang nagdalawang-isip kasi medyo pagod ka. Parang ang sarap magpahinga! Pero nanalangin ka at nagpasiyang maglingkod. Nakapartner mo ang isang tapat na may-edad nang sister, at naantig ka sa kaniyang sigasig at kabaitan. Habang ibinabahagi ninyo sa bahay-bahay ang mensahe ng katotohanan, naisip mo ang mga kapatid sa ibang panig ng mundo—pareho ang mensahe at mga literaturang ibinabahagi ninyo at mga pagsasanay na tinatanggap ninyo. Pag-uwi mo, ang sigla-sigla mo. Buti na lang, naglingkod ka sa larangan!

Sa ngayon, ang ministeryong Kristiyano ang pangunahing gawain ng Kaharian ng Diyos. Inihula ni Jesus na magiging napakalawak ng gawaing pangangaral sa mga huling araw. (Mat. 24:14) Paano ito natutupad? Sa seksiyong ito, tatalakayin natin ang mga tao, mga paraan, at mga pantulong na nasa likod ng tagumpay ng ministeryong Kristiyano, na tumutulong sa milyon-milyon sa buong daigdig na makitang totoo ang Kaharian ng Diyos.