Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Namamahala Na ang Kaharian ng Diyos!

Kaliwa: Nagpadala ng tulong ang Switzerland para sa mga kapatid sa Germany, 1946; kanan: Pagtatayong muli ng Kingdom Hall sa Japan matapos ang tsunami, 2011

 SEKSIYON 6

Pagsuporta sa Kaharian—Pagtatayo at Pagbibigay ng Tulong

Pagsuporta sa Kaharian—Pagtatayo at Pagbibigay ng Tulong

 NANIBAGO ka pagdating mo sa inyong Kingdom Hall. Ipinagmamalaki mo ang gusaling ito. Baka nga naaalala mo pa nang tumulong ka sa pagtatayo nito mga ilang taon na ang nakararaan. Pero sa pagkakataong ito, mas ipinagmamalaki mo ang inyong Kingdom Hall dahil ginawa muna itong relief center. Matapos ang kamakailang bagyo, binaha ang inyong lugar at nasira ang maraming ari-arian. Mabilis na kumilos ang Komite ng Sangay para mapaglaanan ng pagkain, damit, malinis na tubig, at iba pang tulong ang mga biktima ng sakuna. Nakasalansan nang maayos ang ipinamamahaging mga suplay. Pumipila ang mga kapatid para kumuha ng mga pangangailangan nila, at marami sa kanila ang napapaluha sa kagalakan.

Sinabi ni Jesus na ang pagkakakilanlan ng mga tagasunod niya ay ang pag-ibig nila sa isa’t isa. (Juan 13:34, 35) Sa seksiyong ito, tatalakayin natin kung paano nakikita ang Kristiyanong pag-ibig sa mga proyekto ng pagtatayo at pagbibigay ng tulong ng mga Saksi ni Jehova. Ang mga iyan ay matibay na patotoo na namumuhay na tayo sa ilalim ng Kaharian na pinamamahalaan ni Jesus.