Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Namamahala Na ang Kaharian ng Diyos!

Kaliwa: Isang pulong sa London, England, 1945; kanan: Araw ng pantanging asamblea sa Malawi, Aprika, 2012

 SEKSIYON 5

Edukasyon sa Ilalim ng Kaharian—Sinasanay ng Hari ang Kaniyang mga Lingkod

Edukasyon sa Ilalim ng Kaharian—Sinasanay ng Hari ang Kaniyang mga Lingkod

 NATUTUWA ka sa tagapagsalita sa plataporma. Kakongregasyon mo siya, at ito ang unang pahayag niya sa asamblea. Habang nakikinig ka, hindi mo maiwasang humanga sa pagsasanay na natatanggap ng bayan ng Diyos. Naaalala mo pa ang unang bahagi sa kongregasyon ng brother na ito—ang laki na ng isinulong niya! Malaki ang naitulong ng pag-aaral niya sa Pioneer Service School. At nitong kamakailan, nag-aral naman sila ng asawa niya sa School for Kingdom Evangelizers. Habang nagpapalakpakan dahil sa mahusay na pahayag ng brother, tumingin ka sa paligid at lalo mong napahalagahan ang edukasyong tinatanggap ng lahat sa bayan ng Diyos.

Inihula sa Bibliya ang panahon kung kailan ang lahat sa bayan ng Diyos ay magiging mga “naturuan ni Jehova.” (Isa. 54:13) Nabubuhay na tayo sa panahong iyan. Tinuturuan tayo, hindi lang sa pamamagitan ng mga publikasyon, kundi sa mga pulong, asamblea, kombensiyon, at iba’t ibang paaralan na dinisenyo para ihanda tayo sa pagganap ng mga atas sa organisasyon ni Jehova. Sa seksiyong ito, tatalakayin natin kung paanong ang lahat ng edukasyong ito ay nagpapatunay na namamahala na ang Kaharian ng Diyos.