Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

 APENDISE

Dapat ba Tayong Magdiwang ng mga Kapistahan?

Dapat ba Tayong Magdiwang ng mga Kapistahan?

HINDI sa Bibliya nagmula ang popular na mga relihiyoso at sekular na kapistahan na ipinagdiriwang sa maraming bahagi ng daigdig sa ngayon. Kung gayon, saan nagmula ang gayong mga pagdiriwang? Kung makapagsasaliksik ka sa isang aklatan, masusumpungan mong kawili-wili na bigyang-pansin ang sinasabi ng reperensiyang mga aklat  tungkol sa mga kapistahan na popular sa inyong lugar. Isaalang-alang ang ilang halimbawa.

Easter (Pasko ng Pagkabuhay). “Walang ipinahihiwatig sa Bagong Tipan hinggil sa pagdiriwang ng kapistahan ng Easter,” ang sabi ng The Encyclopædia Britannica. Paano nagsimula ang Easter? Nakaugat ito sa paganong pagsamba. Bagaman sinasabing ginugunita sa kapistahang ito ang pagkabuhay-muli ni Jesus, ang mga kaugaliang nauugnay sa panahon ng Easter ay hindi nagmula sa mga Kristiyano. Halimbawa, may kaugnayan sa popular na “Easter bunny [kuneho],” ganito ang sabi ng The Catholic Encyclopedia: “Ang kuneho ay isang paganong sagisag at malaon nang ginagamit na sagisag ng pag-aanak.”

Mga Pagdiriwang ng Bagong Taon. Sa iba’t ibang bansa, magkakaiba ang petsa at mga kaugalian na nauugnay sa mga pagdiriwang ng Bagong Taon. Hinggil sa pinagmulan ng pagdiriwang na ito, ganito ang sabi ng The World Book Encyclopedia: “Noong 46 B.C., itinakda ng tagapamahala ng Roma na si Julio Cesar ang Enero 1 bilang Araw ng Bagong Taon. Iniaalay ng mga Romano ang araw na ito kay Janus, ang diyos ng mga pintuang-daan, pinto, at ng mga pasimula. Ang buwan ng Enero ay isinunod sa pangalan ni Janus, na may dalawang mukha​—isa na nakaharap sa unahan at isa na nakatingin sa likuran.” Kaya ang mga pagdiriwang ng Bagong Taon ay batay sa mga tradisyong pagano.

Halloween. Ganito ang sinasabi ng The Encyclopedia Americana: “Ang iba’t ibang bahagi ng mga kaugaliang may kaugnayan sa Halloween ay matatalunton sa isang seremonyang Druid [sinaunang pagkasaserdote ng mga Celt] noong bago ang panahon ng mga Kristiyano. Ang mga Celt ay may mga kapistahan para sa dalawang pangunahing diyos​—diyos na araw at diyos ng mga patay . . . , na ang kapistahan ay ginaganap noon kung Nobyembre 1, na siyang pasimula ng Bagong Taon ng mga Celt. Ang kapistahan ng mga patay ay unti-unting napalakip sa ritwal ng mga Kristiyano.”

Iba Pang mga Kapistahan. Hindi posibleng talakayin ang lahat ng pagdiriwang na ginaganap sa buong daigdig. Gayunman, ang mga kapistahan na lumuluwalhati sa mga tao o sa mga organisasyon ng tao ay hindi kaayaaya kay Jehova. (Jeremias 17:5-7; Gawa 10:25, 26) Isaisip din na ang pinagmulan ng relihiyosong mga pagdiriwang ay makapagsasabi kung nakalulugod ang mga ito sa Diyos o hindi. (Isaias 52:11; Apocalipsis 18:4) Ang mga simulain sa Bibliya na binabanggit sa Kabanata 16 ng aklat na ito ay tutulong sa iyo na magpasiya kung ano ang pangmalas ng Diyos sa pakikibahagi sa sekular na mga kapistahan.