Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Sumaryo Mula sa What Can the Bible Teach Us?

9. Malapit Na Ba ang Katapusan ng Mundo?

9. Malapit Na Ba ang Katapusan ng Mundo?

1 IPINAAALAM NI JEHOVA SA ATIN ANG MANGYAYARI SA HINAHARAP

“Ang Isa na nagsasabi ng wakas mula pa sa pasimula, at ng mga bagay na hindi pa nagagawa mula pa noong sinaunang panahon.”—Isaias 46:10

Ano ang alam natin tungkol sa panahon ng kawakasan?

  • Daniel 7:13, 14

    Naging Hari sa langit si Jesus noong 1914.

  • Mateo 24:3-14

    Inihula ni Jesus ang tungkol sa mapanganib na panahong daranasin ng mga tao.

  • Apocalipsis 12:7-9, 12

    Di-nagtagal matapos maging Hari si Jesus, pinalayas niya sa langit si Satanas at inihagis sa lupa. Galít na galít si Satanas dahil mayroon na lang siyang “maikling yugto ng panahon” bago siya alisin ng Diyos.

2 NASA PANAHON NA TAYO NG KAWAKASAN

“Ano ang magiging tanda . . . ng katapusan ng sistema ng mga bagay?”—Mateo 24:3

Nakikita mo bang natutupad na ang mga hula ng Bibliya?

  • Mateo 24:7; Lucas 21:11

    Palala nang palala ngayon ang mga digmaan, taggutom, lindol, at sakit.

  • 2 Timoteo 3:1-5

    Inilarawan ni apostol Pablo ang magiging ugali ng mga tao sa mga huling araw.

  • Daniel 12:4

    Tinutulungan ng Diyos ang kaniyang bayan na lalo pang maintindihan ang Bibliya.

  • Mateo 24:14

    Ang mabuting balita ng Kaharian ay ipinangangaral sa buong lupa.

3 KUMILOS NA NGAYON PARA PASAYAHIN SI JEHOVA

“Ang araw ni Jehova ay dumarating na kagayang-kagaya ng isang magnanakaw sa gabi.”—1 Tesalonica 5:2

Dahil napakalapit na ng wakas, ano ang kailangan mong gawin?

  • Juan 17:3

    Seryosohin ang pag-aaral ng Bibliya.

  • Hebreo 10:24, 25

    Dumalo sa mga pulong ng mga Saksi ni Jehova para lalo ka pang matuto.

  • Santiago 4:8

    Gumawa ng kinakailangang pagbabago sa iyong buhay para mas mapalapít ka sa Diyos.

  • Lucas 21:34-36

    Iwasan ang anumang makakagambala sa iyo, at unahin ang pagsamba kay Jehova.